Early for a comeback, ito siguro ang masasabi ko sa taong 2018. Maaga talaga ako magpapaalam sa pagtuturo sa Southeast Asia Christian College. Mainam talaga ang fulltime na work. At sa darating na 2019, gusto ko mag-fulltime sa teaching. College uli ang gusto kong turuan para sa ganoon ay makabalik ako sa masteral ko sa UP o kung hindi, mag-transfer sa ibang school at mag-aral ng CPE o Educational Management. Sinubukan ko noong Agosto hanggang ngayon sa kasalukuyan na nais ko paabutin ngayong March 2019 ang loading business na ito. Kahit maliit ang kita, masaya naman pala. Si Ate Bhembie na aming kapitbahay ang madalas na magpa-load sa akin. Malakas ang load na ito kung tutuusin. Nakilala ko yung mga taga rito sa Borlan na nagpapa-load. Kaaliw, kasaya, walang stress at nakakakapag-load din sa cellphone ko ako mismo. Ngayon ko lang din ata na-experience ang uminom ng Metformin na iniinom sa mataas ang sugar. Ayaw ko sana ng synthetic medicines sa totoo lang kaya lang kailangan...
Welcome To My Blog