Lagi na lang akong semi-kalbo. Ganito kapag wala akong turo para makatipid sa barbero. Ikwento ko lang yung pag-develop ng pagupitan dito sa amin. Naalala ko nung nagpapagupit ako sa Reyes Haircutter na wala na ngayon sa Tungko. Dati nagpapagupit doon sa lugar na iyon at doon ko nakilala si Barbie. Kapag mayaman ako kay Barbie ako nagpapagupit. Hindi ko alam kung sa palengke sa Tungko pa rin siya nakapwesto. Ang galing niya maggupit. Mukha ako talagang titser. Sa Savio , siya na naggugupit sa akin hanggang sa OLFU . S iya ang naggugupit sa akin noon. Nagkekwento pa n iya sa akin minsan ng mga sistema ng school na tinuturuan ko at alam niya yung gender ko. Ang lakas ng pang-amoy niya (gaydar). Naalala ko rin yung pagupitan sa tapat ng Greenwich sa tungko. Napalitan na ito ngayon ng mga stand na tindahan ng pagkain. Isa na lang ang pagupitan doon. Hindi ko pa nata-try yung pagbabago na nangyari . Pero noon , madalas din ako magpagupit doon kasi dalawa ang...
Welcome To My Blog