Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2019

2019

Maraming nagbago sa akin ngayong taon na ito. Panibagong chapter. Masaya ako na noong 2018 na hindi ako pinalad sa pagtuturo ay sinagot ng Microlink Institute of Science and Technology ang nangyari sa akin. Marami pa akong pangarap na iskwelahan na pagturuan. First time ko magturo ng English at masaya pala ituro ang subject. First time ko rin magturo ng Grade 11 at Grade 12. Kahit against ako sa Senior High, masaya pala na turuan ang mga antas na ito na middle ground ng college at high school. Masaya magturo ng oral communication, organization and management, physical education sa senior high school at personality development sa mga HRM course at Entrpreneur sa 2nd year HRM. Masaya rin maituro ang Philosophy lalo na sa bandang huli ng lesson ay tungkol sa kamatayan at pagiging mabuting tao. First time ko rin magturo ng CWTS sa first year sa college. Na ito pala ang approach ng pagtuturo. Yung Practical Research ay isa rin bagay na mahirap maituro dahil may kasama itong pagkokompyut...