Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2015

OLFU at Pagtatapos ng Bakasyon

Matatapos na ang bakasyon ko. Matatapos na ang pagtambay ko sa court, madalas na paglalaro ng volleyball at pagpunta sa mga kalapit na lugar ng aming subdivision. Tulad ng text ng kaibigan kong si Marky, ganito rin ang nararamdaman ko. Nagpapasalamat siya at ito rin ang pakiramdam ako. Ang propesyon ko ay sa mundo ng pagtuturo at sa 15 ng buwan, magsisimula na akong magtrabaho. Masaya ako at nakatuntong na rin ako ng university. Panibagong yugto o chapter ito ng buhay ko at masayang masaya bilang guro sa kolehiyo. Kung wala ang mga bago kong nakilala, malamang at tambay lang sa loob ang gawi ko sa bahay. Masaya ako na makita ko ang Dela Costa IV na malapit lang pala sa amin, pati ang ibang lugar ng Pleasant ay napuntahan ko rin. Hindi ko malilimutan ang una kong sabak sa liga ng subdivision. Sa liga ay nadagdagan ng saysay ang buhay ko. Hindi ko aakalain na after ng PE ko sa volleyball nung college ay masusundan ito at aabot ito sa paglalaro ko rito sa subdivision. Akala ko humint...