Matatapos na ang bakasyon ko. Matatapos na ang pagtambay
ko sa court, madalas na paglalaro ng volleyball at pagpunta sa mga kalapit na
lugar ng aming subdivision. Tulad ng text ng kaibigan kong si Marky, ganito rin
ang nararamdaman ko. Nagpapasalamat siya at ito rin ang pakiramdam ako.
Ang
propesyon ko ay sa mundo ng pagtuturo at sa 15 ng buwan, magsisimula na akong
magtrabaho. Masaya ako at nakatuntong na rin ako ng university. Panibagong
yugto o chapter ito ng buhay ko at masayang masaya bilang guro sa kolehiyo. Kung
wala ang mga bago kong nakilala, malamang at tambay lang sa loob ang gawi ko sa
bahay. Masaya ako na makita ko ang Dela Costa IV na malapit lang pala sa amin,
pati ang ibang lugar ng Pleasant ay napuntahan ko rin. Hindi ko malilimutan ang
una kong sabak sa liga ng subdivision. Sa liga ay nadagdagan ng saysay ang
buhay ko. Hindi ko aakalain na after ng PE ko sa volleyball nung college ay
masusundan ito at aabot ito sa paglalaro ko rito sa subdivision. Akala ko
huminto na ang paglalaro ko nito at hindi ko na malalaro ang volleyball. Sa
panahong ito nakilala ko ang bata sa loob ng subdivision namin. Kung ano ang
anyo nito. Nasilayan ko ang labas ng aming tahanan.
Sa
dami ng inaplayan ko, hindi ko aakalain na sa Our Lady of Fatima University ako
makakapasok. Gusto ko rin maranasan ang magturo sa ibang kolehiyo na malapit
dito sa amin pero sa OLFU napunta ang aking kapalaran. Maraming beses din ako
nagtangka na mag-aplay dito. Naranasan ko noon, na hindi ako pumasa ng
interview dahil nga hindi Filipino ang aking undergraduate. Napakaswerte ko at
bakangte sa ngayon ang OLFU at nakuha ko ang slot na ito. Totoo ang kasabihan
na try and try until you succeed.
Umabot
o tumagal lang ako ng 2 taon, masaya na ako. Sa bakasyon na ito na natamasa ko,
lubos akong nagagalak at natutuwa na naranasan kong ito. Hindi naging boring at
malungkot ang bakasyon ko sa mga naganap na ito.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento