Marami akong bagay na nagugustuhan sa Fatima. Nagustuhan ko rito ang Departamento ng Filipino. Sa NCBA, dalawa lang kaming nagtuturo ng Filipino. Tanda ko 3 na ata ang pinakamarami. Sa ASAS, nag-iisa lang akong nagtuturo ng Filipino kaya pakiramdam ko wala akong kasama. Bagama’t maliit kami kung ikukumpara sa iba, masasabi ko na iba kami at kakaiba kami na departamento. Na-appreciate ko ang fries nila. Nagsilbi itong merienda ng mga estudyante dahil sa dami ng nagtitinda ng fries dito. Lagi ko ng merienda at almusal ang spaghetti ni Ate Inday. Kilala ito sa Fatima. Nagustuhan ko ang internet room. Kasi sa internet room, naa-acces ko ang mga gusto ko tignan na website. Yung wifi sa departamento kung saan nabubuksan ko ang fb kapag nag-stay ako sa loob. Nagiging hilig ko ang silid-aralan sa basement ng VSB kasi pakiramdam ko ang parang may sarili mundo ang mga nagsisilid doon. Nagustuhan ko ang binibilhan ko ng kape na sa tuwing bagsak ang utak ko, nabubuhayan ako sa pama...
Welcome To My Blog