Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2015

1st 2nd Sem ko sa Fatima

Nairaos ko ang unang sem sa Fatima. Culture shock ang nararamdaman ko. Tulad ng pakiramdam ng isang baguhan. Malaking adjustment ang siyang ginawa ko. Mula sa sistema ng unibersidad hanggang sa mga estudyante. Itong 2 nd sem, panibago ito sa akin. Bagama’t may pagkakatulad ito ng 1 st sem, may mga ilang aspeto pa rin ito na iba sa 1 st sem. May mga panuntunan lamang ako sa klase na dapat tignan ng estudyante. Una sa lahat, ayaw ko ng maingay. Lalong lalo na kapag nasa period ako ng lecture. Sa unang sem ko sa Fatima, nangapa ako sa prosesong ito. Wala akong lecture na ginawa ko ng 100%. Isa rin sa panuntunan ko, hindi ako nagbabasa ng late papers. Kung late ka magpasa ng papel, asahan mo na gagawin kong sapin yan ng pananghalian ko. Naging kultura ko sa UP Diliman Communication Research Department na dapat maging on time sa pagpasa ng papers. Doon ako natuto na magpasa ng maaga ng papel. Wala nga akong 5, pero may FDA ako. 15 mins bago ako mag-attendance. Kung 7 ng umag...