Nairaos ko ang unang sem sa Fatima. Culture shock ang
nararamdaman ko. Tulad ng pakiramdam ng isang baguhan. Malaking adjustment ang
siyang ginawa ko. Mula sa sistema ng unibersidad hanggang sa mga estudyante.
Itong 2nd sem, panibago ito sa akin. Bagama’t
may pagkakatulad ito ng 1st sem, may mga ilang aspeto pa rin ito na
iba sa 1st sem. May mga panuntunan lamang ako sa klase na dapat
tignan ng estudyante. Una sa lahat, ayaw ko ng maingay. Lalong lalo na kapag
nasa period ako ng lecture. Sa unang sem ko sa Fatima, nangapa ako sa prosesong
ito. Wala akong lecture na ginawa ko ng 100%.
Isa rin sa panuntunan ko, hindi ako nagbabasa ng late
papers. Kung late ka magpasa ng papel, asahan mo na gagawin kong sapin yan ng
pananghalian ko. Naging kultura ko sa UP Diliman Communication Research
Department na dapat maging on time sa pagpasa ng papers. Doon ako natuto na
magpasa ng maaga ng papel.
Wala nga akong 5, pero may FDA ako. 15 mins bago ako
mag-attendance. Kung 7 ng umaga ng klase, asahan mo 7:15 mag-attendance na ako.
1st sem sobrang luwag ko sa attendance. Ngayon dahil walang 5, at
kapag may maraming absences ka, asahan mo na makukuha mo talaga iyon. Pero yun
nga, sa sarili kong pananaw, hindi ito nakakasira ng record dahil maraming dahilan
kung bakit absent ang estudyante, hindi lang sa dahilan na mahina ito sa
subject kaya di makapasok.
Tumatanggap ako ng sit-in pero ayaw ko na magko-cause ka
ng ingay sa klase. Sit in ka na nga lang, nanggugulo ka pa. Isa sa mga bagong
panuntunan na gusto ko gawin sa klase ay dapat maging malinis at maayos ang
upuan bago ako pumasok hanggang matapos ito. Sa totoo lang dapat di na kayo
sinasabihan sa bahaging ito, di ba nakakaasiwa tignan ang room na madumi.
Common sense na kapag may nakita kang kalat, ikaw na mismo magtatapon nito sa
basurahan para ganado kang matuto sa klase.
Huwag kayo magmadali sa dismissal ng klase, hintayin niyo
na sabihin ko ito. Huwag ka na lang pumasok kung nagmamadali ka rin umalis.
Napansin ko sa Fatima, maraming humihirit ng dismiss na agad. Kaloka! Isa rin
pa lang napansin ko, huwag niyo ako aabutan ng mga pagkain, o tanungin kung
magkano ako. Hindi ako nabibili. Tatanggapin ko nga ang ibibigay mo bilang
pakikisama pero di ibig sabihin nun ay nabili mo na ako o ang grado mo sa
subject ko. Hanggang huling hininga ko, susunod ako sa code of ethics ng
teachers.
A teacher shall not accept favours or gifts from
learners, their parents or others in
their behalf in exchange for requested concessions,
especially if undeserved.
Huwag niyo pala ako hihipuan sa maselan na bahagi ng
katawan ko. Naiinis ako sa mga estudyanteng gumagawa nun. Makakakuha ka ng
grade na mataas kung di nag-e-expect ng mataas na grado.
Una pa lang ito. Abangan ninyo yung susunod na classroom
policy ko. Kung gusto niyo ng magandang turo mula sa akin, sumunod po kayo.
Gawin niyo po ang tungkulin ninyo bilang estudyante.
Hinding hindi ako magpapalamon sa bulok na sistema ng
edukasyon! Kaya ito ang pinasok kong propesyon para baguhin ang mga maling
sistema na pinaiiral nila.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento