Buo na ang loob ko. Alam ko na ang gagawin ko sa susunod sem. Dahil naghahabol, no choice ako sa a-applayan ko. Nilalakad ko na ang papeles, habang enroll, naghahanap ng extra raket. Uso kasi sa mga UP students ang salitang raket. Mga raketero at raketera ang mga tao rito.Mayroon akong hangad. Kung natanggap ako sa OLFU, nawa'y tanggapin din sana ako rito. Ine-enjoy ko na ang last sem ko. Ito kumuha ako ng mga larawan. Unahin ko na ang eduk. Ang mga kinuha ko rito ay Education Foundation at Administration. Dagdag dito ang undergrad course na Art Education, Values Education at Education Research. Tulad sa Araling Pilipino, nagustuhan ko ang EDFD. Huhusayan ko sa Psych Foundation. Ito naman ang sunod. Ito naman ang Kolehiyo ng Komunikasyon Pang-madla. Malaki ang naitulong nito sa akin upang mahubog ang kamalayan ko. Malaki ang koneksyon ng PUP College of Communication at UP College of Mass Communication. Ang Dean ko sa PUP ay doktor dito at dahil dito nagkaroon a...
Welcome To My Blog