Huling semestre ko na sa UP. May mga opsyon na ako sa mga
mangyayari. Nag-enroll ako ng mga kurso kahit di naman required.
Nag-enroll ako ng 12 units sa eduk course. Pinag-isipan
ko talaga ito maigi. Parang baliwala na rin ang mga na-enroll ko nung 2nd
sem. Di ko man lang naibahagi ang mga
ito sa OLFU. Salamat sa biyayang binigay nila upang mairaos ko ang last penalty
course. Laki rin ng tinipid ko kasi 2006 ako nagsimula. Pasok ako sa P300.00
per unit. Pagkatapos nito, nag-iisip na ako ng sunod na opsyon. Nais ko subukan
ang ginagawa ni Mrs. Saliva sa ASAS. Nagtuturo sa elementarya ng umaga tapos sa
kolehiyo naman ng hapon. Malapit na rin mag-retire si Mama.
Hindi ko maiwasan kumuha ng course sa elementary
education. Bigo ako matapos turuan ang mga grade 2 ko noon sa Savio. Gusto ko
matutunan ito at subukan uli ang elementarya. Sana Hunyo sa susunod na taon. Nawa’y
maayos sana ang school policy na papasukan ko. Tapusin ko lang ang hamon na
ito. Hindi ako tulad ng aking ina, baguhan ako sa pag-handle ng mga pupil na
ito. Nakakapagtaka na sabbatical ang tagapayo ko sa MA tesis. Dahil dito
kailangan ko mag-isip kung sino ang pwede ko maging tagapayo. Malaki ang
tsansa. Iniisip ko rin ang possible na panel.
Excited na rin ako sa magiging paper ko sa educ course.
Sagad na rin ang bilang ng enlisted slot. Ang daming tao sa College of
Education. Malamang dahil ito sa K-12. Mali ang polisiya na kailangan may LET
sa pagtuturo ng Senior High School. Kinuha lang naman nito ang kurso sa GE ng 1st
at 2nd year college. Dapat magkaroon ito ng reiteration o kaya gawing
boluntaryo. Lalo na ngayon at may BA Filipino na sa mga kolehiyo. Number one
requirement sa pagtuturo ng grade 11 ay depende sa subject. Wala pang course
tungkol sa K-12. Hindi rin ito maihehelera sa Bachelor in Secondary Education,
kasi nakapasok lang ito sa 4 years na kurso, unless ma-revised ang curriculum
at ipasok ang K-12.
Kung titignan ang DepEd sa curriculum may bilang ng oras.
Mukhang per semester ang bilang. May ibang nagsasabi ng 1 year. Bawat school
kasi ay may kanya-kanyang polisiya. Halos standard lang kapag state college at
university. Kung magtuturo sana ako uli sa elementary, sana grade 2 uli tapos
matapos ko na. Isang taon lang na matapos, ok na. Subukan ko naman ang grade 6
pataas. Kailangan ko itong aral na ito para makabawi sa mababang kong grades.
Nanlumo ako sa GWA na 1.8, pinakamababa sa kasaysayan.
Baka ikaw pala na nagbabasa o kakilala ko, baka pwede ka
maging part ng paper ko. Baka pwede kang respondent, sabihan mo lang ako. Gusto
ko i-try ang mag-survey. Preparation na ito sa mga next research paper ko na
sunod-sunod survey method na aaralin ko at tututukan. Sasamantalahin ko na
itong last sem ko sa UP. Buti na lang may digicam ako for documenting every
moment. Gagawa ako ng diary dito sa UP. Habang tutok sa huling depensa na dapat
mangyari dahil out of the program.
Ang laki rin ng binago ng buhay ko mula nang napasok ako
sa Filipino Department ng UP. Natutukan ko ang wika sa pananaw ko sa
Journalism. Hindi rin madali ito. Mahirap din maging nationalist. Ang naging
tulong sa akin ng Filipino ay hindi hadlang na maging nationalistic ang mga
sulat ng mamamahayag. Yung matawag ka rin na Pinoy Scholar/Academician na
natuto sa kultura at lipunan. Ito na siguro marahil ang dahilan kung hitik ang
kaalaman ko sa ating bansa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento