Salamat at nakahanap ako ng raket sa pamamagitan ng part time teaching dito sa Southeast Asia Christian College sa Amparo, Caloocan. Ito rin yung first time ko na napasok ko ang Amparo. Hindi ko nabatid pero may idea na ako na may jeep pala na pumapasok sa loob ng subdivision. Nagtuturo ako ng dalawang courses sa college. Ito ay World Literature at Philippine History. Naalala ko tuloy noong nagturo ako ng Philippine History sa NCBA Fairview. Magaan ang schedule ko kasi dalawang araw lang kada linggo ang pasok ko. Malayo ito sa sahod na natatanggap ko noon sa OLFU pero yun nga hindi naman ako tumitingin sa sahod. Isa pa, hindi ako pagod at hindi stress. Maliit lang ang college. Isa lang ang room nila sa college. Mayroon silang elementary, junior high at senior high school. Korean ang nagmamando ng kolehiyo at sa ngayon ok naman ang usapan ko sa administrasyon ng school. Ito na siguro ang pinakamagaan na work na mayroon ako. Sana magkaroon ako ng iba pang pang raket. Gusto ko p...
Welcome To My Blog