Salamat
at nakahanap ako ng raket sa pamamagitan ng part time teaching dito sa
Southeast Asia Christian College sa Amparo, Caloocan. Ito rin yung first time
ko na napasok ko ang Amparo. Hindi ko nabatid pero may idea na ako na may jeep
pala na pumapasok sa loob ng subdivision.
Nagtuturo
ako ng dalawang courses sa college. Ito ay World Literature at Philippine
History. Naalala ko tuloy noong nagturo ako ng Philippine History sa NCBA
Fairview. Magaan ang schedule ko kasi dalawang araw lang kada linggo ang pasok
ko. Malayo ito sa sahod na natatanggap ko noon sa OLFU pero yun nga hindi naman
ako tumitingin sa sahod. Isa pa, hindi ako pagod at hindi stress.
Maliit
lang ang college. Isa lang ang room nila sa college. Mayroon silang elementary,
junior high at senior high school. Korean ang nagmamando ng kolehiyo at sa
ngayon ok naman ang usapan ko sa administrasyon ng school. Ito na siguro ang
pinakamagaan na work na mayroon ako. Sana magkaroon ako ng iba pang pang raket.
Gusto ko pa mag-part time sa ibang school.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento