Masaya, karamihan na may kaunting lungkot ang nadarama. Unahin ko na ipabatid dito ang kalungkutan na naganap sa pagkamatay ng high schoolmate ko at university mate na si Ian. Hindi ko makakalimutan Ian yung alaala na tinulungan mo ako na maka-transfer mula ROTC to CWTS. Salamat Ian at tinulungan mo ako. Masaya at nabili ko na ang kakailanganin ko para next year. Inuna ko na ang bago kong running shoes na na-order ko. Black na may halong red ang kulay. Kailangan ko ng running upang mabawasan ang taba sa akin tiyan. Dagdag din dito yung pagbili ko ng fuchsia pink na polo shirt. Swerte raw kasi ang blue, fuchsia, pink at red next year. Salamat at taon ng kuneho. Aangat ang ekonomiya ng bansa dahil sa pagtalon ng kuneho. Dati dream ko makabili ng original DVD copy ng Madison ni Mariah pati Unplugged. With the help of technology tulad ng YouTube, nakapanood na tuloy ako. Pero nakakapangamba rin ito sa quality ng music sa pag-produce. Sa WeSing at StarMaker, naaabot ang kam...
Welcome To My Blog