Ito yung book review ko sa aklat na #CHAROTISM the wit and wisdom of Ethel Booba. Sa mga hindi nakakaintindi ng gay linggo (gay language), ang #CHAROTISM mula sa salitang charot na ibig sabihin ay kunwari at ism ay practice. Sa panglahatan, natawa ako kay Ethel. Sa totoo lang hindi naman siya yung favorite kong comedienne. Para sa akin sakto lang siya sa paghanga ko.
Ito yung aklat na pinaghirapan ko, galing sa pagawa ang pera na kinita ko. Tapos gusto ko talaga makabasa ng maraming nakakatawang books. Magkaroon lang ng sampu dito sa kwarto na pwede ipabasa sa mga bisita kung may pupunta rito sa amin. Masarap magkaroon ng aklat o makabili ng aklat na galing mismo sa sarili mong paghihirap.
Ang aklat ni Ethel na nailathala noong 2016, at inilathala ng VRJ Books Publishing (sana naman kunin niyo rin akong author charot este echos na lang). Mga limang taon na rin pala ang nakalipas. Kaya pala yung mga laman ay kaganapan noong mga taong iyon, eleksyon at iba pa. Nahahati sa sampu ang laman ng aklat. Ito ay charoterang foreword, politics, love, showbiz, beauty and life, bookxclusives, charot lists, Q and A, Boobarians and Quiz.
Sa simula pinakita ni Ethel ang kanyang funny side. Ang kanyang ugali na gusto niya at ang pagiging siya. Siguro kaya na rin siya sumikat ay dahil na rin sa kanyang ugali at humor nga bilang komedyante. Pinasalamatan niya ang mga tao kung bakit natupad ang kanyang pangarap na magkaaklat.
Political analyst na bahagi ang unang tweet ay ang pagpayag niya sa RH Law. Alam ko ang simbahan ay tutol pa rin dito sa panukala ng gobyerno. Ginawa niya rin joke ang tungkol sa same sex maariage na dinaan sa patawa kung saan pabor siya rito. Sa discrimination ay pumayag siya rito. Nagpatawa pa rin ang ginawa sa tanong. Nabanggit niya si VP Binay kung saan tungkol ito sa basketball na ginawang joke sa steal na tugon. Yung puro utang ng pinas na kesyo wala raw tayong capital ay ibiniro niya rin. Nakakatawa rin ang biro nito sa SALN kung saan ang kanyang bersyon ay Sa Aking Lupang Ninakaw.
Nabanggit din nito ang yumaong senador na si Miriam kung saan tungkol sa pag-intindi. Nakakatawa rin ang pahayag nito tungkol kay Sen. Grace Poe na kesyo mag-quit na si Sen. Mar Roxas. Sa huling bahagi ay tungkol sa Philippine sea ang biro nito at kung saan binanggit nito na huwag matuwa sa pagkapanalo dahil mayroon daw east, north at south Philippine seas.
Sa ikalawang bahagi naman ay tungkol sa love guru kung saan ang simula nagsimula ito sa pagsuko ng manliligaw kaysa sa pusher na nanlaban. Dagdag dito ang nanlaban na pusher na marami ang gumawa. Laging nakalagay ang charot sa biro nito. Ayon sa kanya ay mahirap ang long distance relationship dahil hindi mo ito masasampal kapag nalaman mong nagloloko ito.
Ayon din sa kanya ay ang love ay parang kalsada na lang, kung sino gumitna, mamatay. Ang text ay nabanggit din kung saan napapamahal ka kapag hindi ka unlimited. Sa huling ng bahagi nito tinalakay ni Ethel ang love at first side at love is blind kung saan hindi pa nagkikita ang mga nagpauso ng ganyang kataga, kaya wag daw problemahin. Naipahayag din nito ang tungkol sa nabubulag tayo pagdating sa pag-ibig, ang sabi nito ay iyan ang mga taong sumabak sa blind date. Ang huli ay tanong kung saan gusto magpakasal sa pari o sa judge, sagot nito ang sa taong mahal at gusto ito maging asawa. May charot pa rin ito sa bawat sabi.
Showbiz diva naman ang ikatlong bahagi ng aklat.. Ang unang bahagi ay pagtalakay sa kamukha. Tugon nito ay si Anne Curtis at ginawang biro na si Anne...Drew E. Sunod naman na patawa nito ang panonood ng Star Wars kung saan ang tugon nito ay at sumaiyo rin. Patawa rin ang hatid nito sa Sleeping Beauty na post selfie na “I woke up like this.”
Sa huling bahagi nito ay tungkol sa pagmura nito sa Jollibee na ang full name nito ay Jollibee E. Rodriguez may picture ito na nakalagay kaya ito napansin, pagpatay ng TV kung ayaw ang palabas hindi yung puro reklamo at paninira. Kanya rin sinambit ang laban ni Pacquiao kung saan nagiging sanhi nito ang pagluwag ng trapik.
Sa Beauty and Life Coach na bahagi naman ay kanyang isinaad kung saan siya (Ethel) ay beauty ay relative hindi subjective. Siya raw ay beauty. Dagdag din nito ang tungkol sa kagandahan n Ethel na sana hindi HD ang TV dahil baka mabulag ka sa ganda nito.
Sa bandang huli nitong bahagi ay tungkol sa wala pang namamatay na ipis dahil sa lakas ng sigaw kaya dapat tsinelasin. Sunod dito ang hindi pag-intindi na mga character letter at symbols ang sulat. Sinagot niya ito kung sino hindi nakakaintindi at huli ay tungkol sa pagbabago para sa sarili hindi sa ibang tao. May charot uli ito sa huling sulat.
Ang bahagi naman na BookXClusives kung saan ang simula ay tungkol sa paggamit ng waze upang hindi maligaw sa landas ang mister na babaero. Waze of time daw ito ika nga. Sunod naman dito ang magmahal ng lalaki na tulad na sirang electric fan, kasi hindi ito lumilingon sa iba. Dagdag din dito ang tungkol sa perfect man na ang sagot nito ay parang SM na he’s got it all for you. May charot din sa kada sulat.
Ang huling bahagi naman nito ay tungkol sa pagbibigay nito ng advice kung saan hindi naman daw niya ito nagagamit, sunod naman ay tungkol sa pagkakaibigan kung saan ang totoo ay hindi ka hahayaan gumawa ng katangahan mag-isa at huli ay tungkol naman ay tungkol sa google kung saan ay kung umasta ay parang alam mo lahat. Hindi rin uli nawawala ang charot sa hulihan nito.
Naisaad din nito ang mga dapat iwasan. Halimbawa ay basketball player sa mambobola, taxi drivers sa choosy, market vendors sa palengkero’t palengkera, lawyers sa mahilig makipag debate at doctors sa palaging late baka pati sa kasal. Ito ay mula mismo sa kanyang pananaw, na pwede totoo at malamang naranasan niya ito siguro.
Isinaad din nito ang mga taong dapat gawing secretaries ng gobyerno. Halimbawa nito si Edu Manzano sa Department of Education, Kris Aquino sa Department of Social Welfare nad Development, si Gary V sa Department of (Pure) Energy, Batman and Robin Padilla sa Department of Justice at Rica PERAlejo sa Department of Finance. May point nga naman si Ethel siyempre ito ay patawa, at nakakatawa rin namam kung iisipin.
Kanya rin binaggit ang mga paboritong lugar sa Pilipinas ng mga International Divas, halimbawa si Whitney Houston sa I wanna dance with Zambales, Celine Dion sa My Heart will Coron, Barbara Streisand sa I Finally Found San Juan, Sia sa Taytaynium, at Madonna sa Take Cubao.
Binaggit din ni Ethel ang mga dapat iwasan para hindi malasin. Ito ay ang huwag magwalis sa loob ng bahay sa gabi. Mag-vacuum pwede. May charot na nakasaad. Magpagpag kapag galing sa patay. Ganun din sa patay-sindi. Pagpagin ang amoy alak at babae para sa hindi patay kay Misis. Huwag magpatayo sa ika-13 ng buwan, magpaupo ayon dito. Huwag magpatong ng sapatos sa mesa, mag-aaway daw ang pamilya, lalo na kung kumakain sa mesa ang pamilya habang pinapatong ang sapatos, huli ay ang huwag magregalo ng wallet o purse na walang lamang pera, pera na lang ang iregalo, nakamura ka pa.
Panayam ang huling bahagi kung saan tinanong ito sa offer ng Viva sa book. Sagot nito ang patawa na stepping stone na maging author ng book sa DepEd. Sagot din ni Ethel sa queen ng Twitter kung saan sabi nito ay alone at kailangan ng king. Hindi inisip ni Ethel na magiging hit ito sa social media. Na akala nito na ang Booba ay mahina ang utak. Sagot nito na hindi siya bobo (Ethel) na mas maraming talaga silang alam.
Binanggit din nito sa war on drugs ni Duterte na sagot nito na dapat tulungang magbagong buhay ang durugista na marapat talagang gawin ito ng gobyerno. Mensahe ni Ethel sa mga drugs lords, pushers at users ay pwede silang maging reseller ng Ethel’s Beauty soap at sa mga users ay di kayo mahuhuli kung maadik man kayo. Isang joke na nakakatuwang pakinggan kay Ethel.
Sa huling bahagi ng panayam ay tungkol sa pagganap sa buhay nito kung gagawing movie, tugon nito ay siya mismo ang gaganap. Magagampanan nito ang sarili nito. At huli ay tungkol sa katapusan ng Probinsyano na kung saan ang sarili nito, si Ethel ang makakatuluyan nito sa ending. May charot sa bawat sagot na kanyang sasambitin.
Sa bahaging Boobarians kung saan mula sa pa-contest, na ayon kay Emjhei Luna ay kapag galit ka sa isang tao, wag mong hilingin na may mangyaring di maganda sa kanya. Ikaw na mismo gumawa para sigurado na. O di aksyon. Medyo nakakatawa rin naman. Ang isa naman ay kay Micky Bonce na kung saan, wala nang pangit sa panahon ngayon. Ang meron na lang ay walang pera. May charot din sa pahayag. Nakakatawa rin ito ng kaunti.
Sa huli ang pahayag ay si Mythreid kung saan bumili ako ng apat na hopia, pero dalawa lang kinain ko. Pagod na akong umasa ng sagad. Nakakatawa rin kung iisipin at huli kay Emjhei Luna na wag kang mang-angkin ng syota ng iba, bad yon! Paghiwalayin mo muna. May charot din sa pahayag. Nakakatawa rin sa ibang paraan kung iisipin.
Ang huling bahagi ay quiz mistress na sasagutan mo ang mga nasa blanko na may tanong na pattern na sasagutin sa huling bahagi. Ang huling pahayag ay ang kung bakit laging may charot sa ending tweet nito. Tugon nito ay pangit pakinggan kung sa una nakalagay kaya sa huli na lang ito nilagay. Mas nakakatawa, pwedeng sabihin natin na punchline ni Ethel sa mga tweet nito.
Ang masasabi ko sa pangkalahatan ay Ethel salamat at napatawa mo ako sa aklat mo. Nagkaroon pa ako ng laruan sa pagsagot doon sa bahagi ng quiz. Sa mga malulungkot na araw at mag-isa ako ay napapatawa mo ako sa aklat mo. May ibang banat na talaga naman tagos sa puso ng mismong mambabasa. Kaunti lang naman ang waley o hindi nakakatawa. Halos buong aklat 90% ng nilalaman ay nakakatawa Ethel ang libro mo.
Kahit sabihin natin na charot ito o joke lang ay sana magising ang gobyerno sa mga tweet ni Ethel na gumawa tayo ng mabuti sa ating bayan. Kumilos tayo at tulungan ang mga nangangailangan. Magising tayo sa tweet ni Ethel na dapat magsilbi tayo sa bayan ng walang bahid ng pag-iimbot at tapat sa tungkulin.
Si Ethel sa aking palagay ay matalinong tao. May sense kausap. May silbi dahil nakagawa ng isang bagay upang mapatawa tayo at ma-realize na mahalaga ang mga biro, na maaaring magamit ang mga biro sa isang kapaki-pakinabang na gawain. Dapat tularan natin si Ethel na nakagawa ng kabutihan, ito ay sa pagsusulat ng aklat upang mapasaya ang mga tao.
Marapat din bigyan ng parangal ang aklat na ito dahil maraming tao ang napasaya ni Ethel. Marami itong natulungan na “depressed”, malungkot o “sad” ang buhay. Hindi lang natin makikita si Ethel na nagpapatawa sa harap ng camera sa telebisyon, kung hindi sa mga aklat din mismo, mapapatawa ka nito. Tumatalino pa ang iyong pag-iisip sa “smart type hilarious” na pagpapatawa nito.
Hiling ko sa mga mahilig magbasa ng aklat, na basahin itong aklat ni Ethel upang may matutunan kayo sa kanyang paraan ng pagpapatawa. Sa mga hindi mahilig magbasa diyan. Kung mababatid niyo ang aklat ni Ethel, makakahiligan niyo itong basahin.
Sana magkaroon ng “book 2” ito kung saan ang pagpapatawa naman ni Ethel ay “level 2” ang dating. Alam kong nakilala itong #charotism na ito. Hindi na ako magtataka kung magkaroon man ito ng “book 2” dahil nakakatawa naman talaga si Ethel, at marami ang mga sumuporta sa kanya.
Pahalagahan at idolihin natin ang mga Pilipinong komedyante. Si Ethel ilan lang ang komedyante sa telebisyon at pelikula na may aklat na naisulat. Marami kang napatawa Ethel. Sa “social media” dala ng “tweet” na marami ang nakabasa nito na dahil artista ka, maraming “followers” ay marami kang napatawa na “twitter followers” mo. At itong mundo rin ng aklat, na naisulat mo rito ay marami kang napatawa na mambabasa.
Mabuhay ka Ethel. “Deserve” mo ang maging maligaya at i-appreciate ang aklat mong ito. Marami ka pa sanang mapatawa. Dumating sana ang mga kabataan na makakaalam ng mga biro mo at maging tagahanga mo sila. Sumulat ka para sa bayan. Patawanin mo sila ng aklat mo. Sa dami ng kailangan ng mga tinig upang maisawalat ang totoong nararamdaman ng manunulat sa aklat, sana malaman nila ito mula sa iyo.
Ethel, mas makapal, mas malaman, maraming patawa, at mas personal sana ang susunod na magiging aklat mo. Mas marami rin sana ang makaalam at makasunod sa susunod mong aklat. Hindi mo ako binigo Ethel. Kung patawa ang iisipin, tumawa ako ng sobra.
Kumita at magkamit sana ito ng parangal upang maging inspirasyon sa mga kabataan at mambabasa ang aklat na ito. Hindi ito charot ah... O echos. Totoo ito at bukal sa aking isip at puso. Salamat Ethel.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento