New year na January 1. Eto napuyat Ako. Dahil kasi sa social media. Maganda ang pasok sa akin ng Bagong Taon. Kahit tatlo lang kami nagse-celebrate dito sa bahay. Nagawa namin mairaos ito. After long years, ngayon lang uli ako nagtorotot. Ngayon lang din uli ako nagsuot ng pulang damit. First time ko rin mag-contribute ng malagkit sa handaan. Masaya talaga lalo na kapag sinabayan ito ng countdown ng palaban sa telebisyon. Kahapon pa lang bisperas, nag-prepare na talaga ako. Masarap talaga magluto ang kapatid kong babae. Iba ang istilo niya ng pagluluto. Kumpara kay Mama na mas masarap naman. Pero sa kapatid ko ay above average naman na. Nag-inom naman ang bunso kong kapatid. Natulog ako ng hapon para makabawi ng lakas dahil puyat. Ako pa rin ang naghuhugas ng pinggan sa pinagkainan ng mga plato na kinainan ng mga kapatid ko. Bakit kaya nawawalan ng signal ang Net25 sa freetv. Sana maayos nila ito. Medyo may humahabol sa pagpapaptuok. Natuwa sa nasilip ko sa bintana ng mga nagpapap...
Welcome To My Blog