Nabalitaan ko yung usapin tungkol sa 500 na halaga para i-celebrate ng Pasko ayon sa DTI. Actually ang dami talagang pumuna sa usapin ito. Iyan na nga lang halos ang laman ng Pera ko ngayon pero siyempre parents ko pa rin ang sasagot sa Pasko namin dito sa bahay. Itong 500 siguro na usapin na ito para siguro sa mga maghihirap na Pilipino (sa aking palagay). May nakita akong Christmas package na halagang 500 sa social media na may laman na spaghetti at salad. Ayun siguro ang tukoy ng DTI
Sa mga mahihirap na Pilipino o probinsya. O yung pamilya na kaunti lang ang miyembro ay siguro mapagkakasya nila ang 500 na halaga para makapag-celebrate ng Christmas. Pero sa mga mayayaman at large numbers ng mga members ng family ay hindi kakasya ang 500 pesos sa kanila para i-celebrate ang Christmas. May mga Pasko kami noon na kaunti lang ang handa namin pero na-celebrate namin ang Pasko. Ang inportante ay ang buo ang pamilya namin, nagmamahalan at sinelebrate ito ng masaya.
Ang tasa ng FBS ko ayon sa laboratory result ko lately. Kailangan hindi ako kakain ng matamis at bawas din ako sa kain. After nitong blog ay exercise ako sa kwarto. I hope next laboratory ko ay bumaba na ang FBS. 40 na ako kaya kailangan conscious na ako sa health ko. Siyempre gusto ko umabot ng 100 years old. Importante sa lesson ng 500 pesos na halaga para i-celebrate ang Pasko ay wala sa Pera o halaga o yaman ang pag-celebrate ng Pasko. Nasa puso iyan ng bawat Pilipino na pahalagahan ang kapanganakan ni Kristo. At yung aral ng simbahan na mahalin ang bawat isa sa atin. Magbigay at tumulong sa mga nangangailangan. Kapatawaran sa alitan na ginawa sa kapwa. Siyempre yung pagmamahal natin sa ating pamilya na anuman ang pagsubok na dumaan sa bawat isa, ay nagagawa pa rin natin tumindig at bumangon sa kanilang ng pagsubok. Para sa akin, iyan ang essence ng pasko. Love and giving sa bawat isa.
O siya I go exercise na sa kwarto. See you again. Love you all readers. Ipalaganap niyo ang sulat ko para marami ang magbasa. Mabuhay tayong lahat!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento