Itong unang bahagi ng Mayo ay maulan. Noong kaarawan ko,
nagho-hope ako na sana di umulan. Pero umulan. Balak ko sana ituloy ang Pangako
ng Isang Pag-ibig, pero chararat ang latest story ko. Isang buwan na langitong bakasyon
at babalik na naman ako sa UP Diliman para sa extension ng residency. Mag-iisip
na naman ako ng dahilan kung bakit hindi nakapag-defend. Sa totoo lang may crush ako sa UP. Ang tagal
ko na siya nakikita pero di ko alam ang name niya. Ang slow ko talaga. Nahihiya
kasi ako lumapit kasi marami lagi kasama.
Dun pala sa crush ko sa UP Diliman, sana naman, lapitan mo ako, yayain mo ako kausapin sa isang tabi. Kasi baka gagraduate ka na, di ko pa nalaman kahit man lang name mo. Siguro kung bakit wala akong jowa, dahil slow ako. Admitted ako na slow talaga ako.
Sa job
hunting na gagawin ko, susubok ako ngayon sa mga school na di ko pa
na-applayan. Ang option na lang na mangyayari sa kapag di ako nakapagturo ng
Hunyo ay baka mag-iba ako ng karera. Huwag naman sana, dahil passion ko talaga
ang magturo. At gusto ko kolehiyo. Pero open na rin ako na magbago ng karera.
Gusto ko rin ng bago. Gusto ko rin ng bagong karanasan. Gusto ko rin magamit
ang degree ko.
Pero
gusto ko talaga sabihin dito. Bakit ako slow?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento