Nawa’y wala nang aswang na makita sa paligid. Hindi ko
aakalain na makikita ko pa sa workplace ang
ganitong uri ng mga nilalang. Ang mga bagay na ito ang siyang dapat iwasan sa
katolikong unibersidad. Kahit dito rin malapit sa aming tahanan ay mayroon din.
Nakapaglimi
na rin ako ng aking gagawin sa buhay ngayon malapit na ako sa edad 31. Karera
ang siyang tututukan ko sa panahong ito. Sa panahong ito bibigyan buhay ko ang
mga bagay na napag-aralan ko. Oo nga may mga haters nga ako, at mga baklang
alam mo na. Pero marami pa ring bakla ang sa tingin ko nakakakilala pa rin sa
akin.
Sa
panahon ng aking karera, marami akong gustong gawin. Hindi ako magpapabagsak.
Hindi rin ako padadala sa sinasabi nila. Nakakatawa lang. Sana magawa ko yung
mga bagay sa Fatima lalo na, isang taon na lang ang bilang ng ilalagi.
Nakatutok ako ngayon sa aking kursong inaaral. Tatlong bagay ang siyang
binibigyan ko ng halaga. Ang ibang bagay, hindi ko muna papansinin. Ayaw ko rin
sabihin ang mga bagay na dapat sana ito ngunit kailangan itago. May tamang
pagkakataon para sabihin ang mga bagay na ito.
Salamat
sa lahat ng bumati. Payo lang sa mga maganda diyan. Huwag na kayong mahiyang
lumapit at magpakilala. Huwag niyo hintayin na ako pa ang lumapit. Ang talagang
masasabi ko sa ginagawa kong ito sa UP Diliman. Ito na siguro ang todo. At mas
aabangan ko pa ang susunod. May pangarap ako at sana magawa ko ito.
Nalalapit na at 31
na ako. Masaya ako sa narating ko. Tignan natin kung itong mga ito ay kaya rin.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento