Ramdam ko ang lamig sa gabi. Ganito pala kapag nag-aral
ka ng education, may observation pala na tinatawag. Pinili ko ang Graceville
Elementary School dahil gusto ko talaga magsilbi sa gobyerno. Produkto kasi ako
ng pampublikong paaralan.
Maliit lang ang iskwelahan at halata talaga na public
school ito. Hindi naman ako nahihiya sa mga bata rito dahil sa public school
din naman ako nag-elementary. Sa katunayan marami akong gustong puntahan na na
iskwelahan. Propesyon ko talaga ang pagtuturo. Siguro kaya rito ako inilagay.
May mga di pa ako nasusubukan na propesyon. Hindi pa ako humahawak ng grade 6,
ng high school, ng major subject sa college at mag-handle ng tesis.
Ito kung saan may request si Dr. Pasumbal na gagawin ko
kapag nakabalik ako sa pagtuturo. Pinag-iisipan ko rin kung ano ang kukunin
kong PhD. Bigyan niyo naman ako ng suhestyon. Pero gusto ko may kinalaman sa
pagtuturo , konprontasyon at magagamit ko sa propesyon. Sana makadalo ako sa
writeshop ng CSSP.
Napakasaya ko nang makita ko ang school na na-obserbahan
ko.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento