Kabaligtaran ang nangyayari sa Good Friday. Sa halip na
malungkot dahil patay ang Diyos, kapiling ko naman ang aking kamag-anak. Sa
Borlan buong linggo ang bakasyon. Narito ang mga bata, masaya sila. Ang Grotto
laging maraming tao. Hindi rin makapaniwala na rito napunta. Oo nga kolehiyo
ito, pero nagpapakita naman ito ng buhay.
Nalaman ko rin ang susi sa Grotto Vista. Sayang hindi ako
sumubok pero nakikita ko na naman ang mga katabi. May dahilan siguro ang
may-ari kung bakit naitayo ang mga ito. Salamat sa mga nakasama ko dati, sila
ang tumulong sa akin kung ano ang pwede kong gawin dito sa amin lugar. Kung
dumating man ang panahon, na pagturuin na ako rito. Hindi talaga ako
makapaniwala.
Nakita ko rin ang kanilang ang mga kurso. Dito nabuhay
ang dalawang wika. Ang Filipino at ang English. Sa huli ko pinagturuang,
English lang. Marami pang silang offer.First time pa lang na napuntahan ko ito,
iba na ang pakiramdam ko. Mali ang kwento ng kasama ko na faculty tungkol sa
kolehiyong ito. Ang sarap ng pakiramdam.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento