May alaga kaming pet sa bahay. Dalawang pusa at isang aso. Better talaga na mag-alaga kayo ng pet sa bahay niyo kahit puspin o aspin. Dati si Derek (name ng dog) lang alaga namin sa bahay. Mabait siya sa amin.
Pansin ko lang payat si Derek. Walang ganang kumain siguro dahil wala siyang anak. Nakatali siya dito sa bahay. Nangangagat kasi siya kapag hindi niya kilala. Kapag manok ang pagkain, ayun ganadong ganado sa pagkain siya.
Sunod naman nagkaroon kami ng pusa. Rain ang pangalan niya. Paborito niya ang isda. Iba na ngayon. May cat litter. Dati sa Isabela ang alagang pusa namin ay walang ganun. Babae si Rain takot sa bisita at ayaw lumabas.
Last si Wee Wee bagong pusa na alaga namin. Maliit pa lang siya. Actually mga alaga ito ni Richelyn pero naging alaga na ng family namin. Si Wee Wee hindi na ilang sa amin. Maging close sana sila ni Rain.
Natuto akong bumili ng cat food sa Tungko. Tapos lagi na lang lapit ng lapit itong dalawang pusa sa gabi. Sana happy sila sa amin. Advice ko sa inyo mag-alaga rin kayo ng pet para safe kayo sa peste, at walang nakaw. Bantay talaga sa bahay niyo.
Masarap sa pakiramdam ang may alagang Hayop. Tanggal din ito ng stress.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento