Name calling ba ang Marites? Kung negatibo mo gagawin ang salitang Marites, maaaring name calling ito. Huwag po natin isipin na ang pangalan ay kaakibat niyo ang pagiging chismosa ang termino o kahulugan nito. Tandaan may mga Marites na tahimik. Huwag po natin itong gawing pangkutya ng kapwa. Naalala ko na mabait ang Marites na kakilala ko sa Pinyahan. Maraming ng subject sa pagiging Marites. Ayon sa aklat nariyan si Marisol, Maris, Marieta at iba pa na tukoy sa tagasulsol, anong tsismis, ito pa at iba pa. Kawawa naman ang mga babaeng may ganitong pangalan dahil sa katawagan nito. Name calling di ba? Kultura ng mga Pilipino ang pagiging tsismoso at tsismosa. Nangyayari iyan dahil sa mga panahon na kapag lalabas ng bahay ang mga tao at magkukwentuhan papasok ang tsismis. Sama na diyan ang tsismisan kapag bibisita ang isang tao sa bahay at hindi maiwasan na magtsismis. Iba na ang panahon ng tsismisan. May high technology na dala ng social media. Hindi naman masama sa pagiging tsismosa ba...
Welcome To My Blog