Mas natawa ako kay Ethel sa Charotism. Iba ang atake ni Aling Vicky sa pagpapatawa sa kanyang aklat. Kung 9 out of ten ako kay Ethel, dito kay Aling Vicky ay 8 naman. Yung iconic scene dito sa pelikula ay hindi na siguro makakalimutan sa mga nakapanood ng pulikula nito. Effort din ang ginawang pagpapatawa ni Aling Vicky. Nakakatawa yung umpisa sa maaga nitong paggising.
Nakakatawa yung sa bahagi ng date. Kailangan marunong ka rin umagapay sa biro ni Aling Vicky. Kapag hindi ka handa sa mga ganitong biro, maboboringan ka talaga sa pagbasa. Nakakatawa rin ang bahagi ng balde kung saan walang common sense sa pagtingin mismo ang akda. Baka nga hindi niya ito sadya. Nakakatawa rin ang bahagi tungkol sa crush nitong si Junior kung saan malapit na siya (Aling Vicky) na mahalata.
Sa bahagin kitang kita, may patawa rin. Dapat tumawa ka kay Aling Vicky kasi iba ang istilo ng kanyang patawa. Aling Vicky iwasan natin ang biro tungkol sa diyos. Huwag po nating gawin form siya ng pagtawa. Pagdasal po ang gamit natin kay Lord. Nakakatawa rin ang bahagi ng college algebra. Of course crush, kaya masusulat mo ito ng hindi sadya.
Sa huling bahagi na tungkol sa text nakakatawa rin ang hirit niyo sa pag-iwan ng cellphone. Suma tutal, iba ang pagpapatawa ni Aling Vicky. Maaari ang pagbasa nito sa pagkakaalam ang iba't ibang pagpapatawa ng awtor. Napatawa mo ako Aling Vicky. May iba pa lang porma ng pagpapatawa ikaw. Sana marami pang magbasa ng aklat mo. Gamitin ang kalakasan ng pagpapatawa mo sa mga susunod na henerasyon ng kabataan. Sana gamitin din nila ang pagpapatawa mo sa mga nalulungkot na Pilipino. Para nang tumawa rin sila. Maraming salamat Aling Vicky.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento