Name calling ba ang Marites? Kung negatibo mo gagawin ang salitang Marites, maaaring name calling ito. Huwag po natin isipin na ang pangalan ay kaakibat niyo ang pagiging chismosa ang termino o kahulugan nito. Tandaan may mga Marites na tahimik. Huwag po natin itong gawing pangkutya ng kapwa. Naalala ko na mabait ang Marites na kakilala ko sa Pinyahan.
Maraming ng subject sa pagiging Marites. Ayon sa aklat nariyan si Marisol, Maris, Marieta at iba pa na tukoy sa tagasulsol, anong tsismis, ito pa at iba pa. Kawawa naman ang mga babaeng may ganitong pangalan dahil sa katawagan nito. Name calling di ba? Kultura ng mga Pilipino ang pagiging tsismoso at tsismosa. Nangyayari iyan dahil sa mga panahon na kapag lalabas ng bahay ang mga tao at magkukwentuhan papasok ang tsismis. Sama na diyan ang tsismisan kapag bibisita ang isang tao sa bahay at hindi maiwasan na magtsismis.
Iba na ang panahon ng tsismisan. May high technology na dala ng social media. Hindi naman masama sa pagiging tsismosa basta gagamitin mo ito sa mabuting paraan. Minsan kailangan ikuwento mo ito sa sangkot sa isyu para maresolba ang problema na pinag-uusapan sa isang tsismis. Pero may mga pagkakataon o madalas na ang tsismis ay nagiging negatibo ang dating nito sa tao.
Harapin, ilahad ang tamang kuwento at umiwas. Dapat ganyan, dagdag din dito na maging masolusyon na paraan ang pagtsismis. Daanin ang tsismis sa mabuti, na dapat ang tsismis ay nakalaan sa kabutihan. Salamat sa aklat na ito dahil marami akong natutunan. Dapat mabass ito ng mga tao lalo na kapag laging nasasangkot sa tsismis at sa maraming tsismis.
Hindi lang Marites ang pagiging tsismosa. Wala sa pangalan iyan. Ang tsismis ay dapat idaan sa matuwid na pagdala ng mensahe. Tapos kapag ito ay naging tsismis, dapat itong matugunan. Walang tsismis na hindi nasosolusyonan. Marapat na ang tsismisan na ginagawan ay sa mabuting panig ito napupunta. Huwag gawing negatibo ito dahil nagiging kasalanan minsan ito sa kapwa. Idaan ang tsismis sa mabuting gawain.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento