Naalala ko noon sa klase ni Dr. Acido sa EDFD201 sa Educational Foundations na nais nila ipasa ang K12 curriculum. Pinasa nga ito at naimplementa noong 2016. Para sa akin ay pabor naman ako dito. Ngunit ang saloobin ko rito ay dapat optional na lang ito sa mga kabataan.
Para sa akin may iba nga diyan high school lang ang natapos pero kaya nila ang mabigat na trabaho. Hindi naman lahat ng graduate ng K12 ay handa sa trabaho. Sa usapin ng international hindi naman lahat ng graduates ay nangingibang bansa. Dapat ituon nila ang K12 kung nais ba ng mag-aaral na mangibang bansa at magtrabaho roon at ito ay sa kanila dapat ipataw ang K12.
Dapat talaga ang isipin natin ang yung kapakanan ng mag-aaral at dapat priority natin na magbigay ng trabahong lokal sa mga kabataan kaya kailangan at upang huwag na silang mangibang bansa.
Magandang edukasyon ang dapat pagtuunan natin. Para sa akin ang K12 ay usapin ng kabataan kung nararapat ba ito sa kanila at depende sa kung ano ang nais nilang gawin sa buhay sa hinaharap. Naniniwala ako na maganda ang tunguhin at adbokasiya ng DepEd. Makiisa tayo sa maganda nilang layunin.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento