Hindi ako expert sa pag-ibig, hindi rin ako sobrang maalam tungkol dit. Sakto lang ang pananaw ko sa pag-ibig. Akala ko pagkakaibigan lang ang benefits. Pati pala Ex makikita rin dito sa aklat at pelikula. Mahusay ang pagkakaganap ni Coleen Garcia na sa tingin ko dapat ito manalo ng Best Actress.
Ang sarap talaga tignan ang pangangatawan ni Derek Ramsey sa pelikula. Maraming mainit na eksena ang ginawa kasama si Coleen. Maaring paratangan ito ng nagtuturo ng kalaswaan sa pelikula. Maraming mainit na eksena na pinakita nito. Sa aklat na bahagi, sabi nga kapag ex, ex na.
Pero makikita sa character ni Coleen na hindi ito susuko sa kanyang nararamdaman kay Derek. Ang pangalan ng kaganapan nito ay si Adam si Derek at Arkisha si Coleen. Lumalabas na third party ang character ni Meg Imperial. Ang sunod nitong bahagi ay yung pagdadamit ni Adam ng pormal sa pagtratrabaho.
Usapin ito o eksena o umiikot ang istorya nito sa pagdodoctor. Naging medical representative si Coleen dito habang doctor si Derek. May sulat sa aklat na nabuntis kung sa tingin ko si Coleen ito. Hindi ito ipinakita sa aklat dahil mahaba ang aklat. Sa huling bahagi, sinabi rito ang paggising ni Coleen.
Sa pelikula ako mas nahiwagaan ako. Hindi naman dahil mahilig ako sa pelikula kumpara sa aklat. Maganda ang pagtatapos ng version ng pelikula kumpara sa aklat. Gugugulin ko pa ito ng matagal kumpara sa panood ng pelikula. Kahit pilitin ng character ng ni Meg Imperial na kunin ang pagmamahal ni Derek, hindi ito natuloy.
Isa sa mga nakakagulat na eksena sa pelikula ay yung tinikman ng propesor na head doctor si Coleen para matulungan niya si Derek na makatapos sa pag-aaral. Nakakalungkot ito na bahagi ng pelikula. Sana marami kayong matutunan sa aklat at pelikulang ito tungkol sa pagbibigay paliwanag tungkol sa pag-ibig.
Sa pelikula ang pagtatapos ay tungkol sa kanilang klase kung saan si Derek na ang nagtuturo at sumagot si Coleen sa recitation. Kung saan dun tumibok ang puso ni Derek kay Coleen, usapin ng pagkagusto. Para sa akin ang pinapakita sa pelikula ang happy ending. Masaya kahit marami lang itong sex scene na tinatawag.
Sa aking palagay, yung nga friend, naging ex. Sa aking pananaw ang ex naman kahit ex mo siya may tinatawag naman na pagbabalikan. Maraming tsansa kapag tinawag kang ex, malay natin bumalik din sa iyo. Ang pag-ibig ay dapat bigyan ng tuon sa panahon kung saan ang kabataan ngayon ay iba na.
Makikita ito mismo sa pelikulang ex with benefits. Akalain niyo ba naman hiwalay na pero yung tinatawag na second chance ay umiiral. Iba rin ang usapin ng set up kapag ang setting nito ay tungkol sa pagdodoktor. May bar scene, hindi lang si Coleen kung hindi si Meg may mainit din na eksena.
Siguro sa susunod nito hindi na friend, ex, buddy isama na. Sa mundo ng LGBT, may tinatawag na ng decent. Sa mga pelikula ng star cinema na lagi na lang nila iniisip box office kumpara sa quality. Paparatangan talaga sila na ganitong pelikula. Parang pantakip nga sa gobyerno, para huwag malaman ang ginagawa nila sa bansa.
Ang pelikula ito ay pagbukas sa isipan o ang kilos ng mga Pilipino, na huwag kang mawalan ng pag-asa kahit nasa baba ka ng lipunan, ex ka lang, may pag-ibig pa rin na matatagpuan ka. Pangit nga sa huli ang aklat dahil labas gamitan, pero sa pelikula mabubuhay ka dahil nagkatuluyan. Isipin ang pagmamahal dahil kailangan ito ng tao. Hindi puro kahulugan ng pagdaramot, kasakiman, pagsasarili o sexual needs na tinatawag.
Note: Hindi porket sinabi ko ang pagtarakip, against na ako sa gobyerno. Pro good governance pa rin ako.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento