Ako nga pala ay makape na tao. Mahilig akong uminom ng kape. Mga 3-4 times ako nagkakakape sa isang araw. Ito yung mga listahan kung saan mga kapeng natipuhan. Try niyo masarap itong inumin.
Kopiko Brown. Masarap ito. Healthy kasi kapag brown sugar ang kape na iinumin mo. Ito yung normal na coffee na iniinom ko sa isang araw.
Great Taste Hazel nut coffee. Super sarap ng kape na ito. Mahal lang siya kumpara sa iba pero napakasarap ng kapeng ito. As in nung natikman ko natuwa ako sa sarap.
Kopiko Caramelo. Ito yung binili ni Mama lately. Masarap din siya. Pantay sila sa sarap ng kopiko brown para sa akin. Tikman niyo ito, masasarapan kayo.
Kopiko Cappuccino. Mahal din ito na kape ng kopiko pero napakasarap din itong inumin. Try niyo masarap siyang tikman. Mag e enjoy kayo sa lasa.
Kopiko Cafe Mocha. Masarap ito. Parang mix ng kape at milo. Mag e enjoy din kayong tikman ito sa sobrang sarap. Nakita ko lang ito kaya sinubukan.
Timplang kape, creamer, decaf coffee at brown. Ito yung kape ko sa huli o bago matulog. Masarap din ito. Masarap ang tulog kapag ito ang kinakape ko.
So ayan. Try niyo tikman iyan mga guys. Masarap na kape ang mga iyan. Bahagi ng buhay ko ang kape. Sa trabaho ko umiinom ako nito para ganahan ako. Kape is life.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento