Ako ay nabalik sa pagtuturo. Ito ay sa St. Clare College sa Caloocan City. Kanina lang nabigyan ako ng load. Babalik pa ako bukas para sa load ng Biyernes dahil first day ng turo ko.
Salamat sa mga staff at admin ng St. Clare. Salamat sa serbisyo niyo dahil maayos po ang pag-hire niyo sa akin. Gumagawa na po ako ng paraan para aralin po ang subject na ituturo ko.
Okay po sa akin ang biyahe patungo sa trabaho. Mangha ako sa lugar ng Zabarte. First time ko po ito puntahan. Salamat kay Sir Arjay sa guide na binigay niya.
Aasahan niyo na sulit ang bibigay kong serbisyo sa inyo. Ngayon pa lang ramdam ko ang saya sa lugar na tuturuan ko po sa college niyo. Salamat po. Bagong chapter po ito ng buhay ko. Natupad na po ang 7th school na dream kobat ito po ay sa St. Clare College. Balik Caloocan ako sa work.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento