Ito yung mga guidelines sa pagtuturo ng PE. Isa sa pinakamasayang karanasan ko ang pagtuturo ng PE. So far binigay ko ang best ko sa pagtuturo nito. 101% ang binigay ko. Medyo mahaba lang ito para maipalawanag ko. Pwede itong guide sa mga instructors at professors sa pagtuturo nito.
Una pumili kayo ng magandang reference sa pagtuturo. So far maganda yung reference ng Saint Clare College sa pagtuturo ng PE. Magaan at hindi masyadong technical tulad ng book ni Alfonso sa Panimulang Lingwistika. Hatiin niyo po into terms po. Turok iyan sa akin sa Progressive Academy. Maging mabait ka pong instructor o professor, kapag hindi ka ganun, baka alisin ka sa school lalo na kapag private.
Dapat magsuot ang mga students ng PE uniform. Specially yung exclusive uniform ng Saint Clare College. Tulad ko noong college na suot ko ang PE uniform ko ng PUP. Make your students athletic. Kahit mataba siya o payat dapat turuan mo siyang maging fit. Gumamit ka ng video presentation na pwede gawin ng mga students sa class. Magbigay ng praises sa mga students mo para ma-motivate sila mag-aral.
Sa recognition day sa elementary at high school Bigyan niyo ng best in MAPEH ang mga students. Parang reward nila sa pag-aaral. Kausapin niyo rin po ang parents kahit sa college kung ano po update sa husay ng anak nila sa pag-aaral. Give chance sa maraming absent na students, working students, pati varsity ng sports. Hindi natin baka matalino sila, hindi lang makapasok sa training o work.
Maging fair ka sa pagbigay ng grade ah. Huwag kang bias. Payagan mo sila maglaro ng basketball at volleyball sa hours nila. Basta PE hours lang ah. Paalala ko hindi na uso ang cutting sa college. Matic singko ka o dropped, pwede rin Unauthorized withdrawal ka na kapag ganun. Mabait akong teacher pero huwag akong abusuhin ah.
Sa mga modulars dahil usually sumasagot lang sila ng module, pag-isipan mo maigi kung dapat ba siyang bigyan ng matas na grade, kasi napapansin ko sa pag-check na mali ang mga sagot. Yung syllabus sundin niyo sa PE. Para maganda ang turo mo. Hindi sabog-sabog. Ang PE ay practical subject. More application ang PE. Hayaan natin sila na buong oras magbanat ng buto at maging physically fit.
Huli, iturin mo ang students mo na bahagi ng college world. Kahit mayaman man o mahirap isang pamilya kayo. matangkad, payat, mataba o normal man ang katawan, iisa tayo. Kung hindi magkasundo daanin sa magandang usapan, yung mahinahon. Pasayahin natin ang mga bata. Huwag natin hayaan maging mangmang sila sa kaalaman ng subject na PE.
Sana naipasok ko sa isipan niyo at sa gawa ang mga guidelines. Marami pang susunod dito kasi nababago ang education. Tulad ng PATH-FIT na gymnastics noon sa Microlink at Badminton sa akin sa PUP. Mabuhay ang mga students ko sa St. Clare Caloocan. Mabuhay ang mga edukador ng Physical Education. Magpatuloy sana ang pag-unlad nito.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento