Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2025

Mga Kaalaman Ko Tungkol Sa Pilosopiya

     Sa katunayan natuwa ako sa karanasan ko sa subject na Pilosopiya. Lingid sa kaalaman ng lahat ang Pilosopiya ayon sa wikipedia ay ang sistematikong pag-aaral sa pangkalahatan at mahahalagang katanungan ng sangkatauhan, lalo na ang mga may kaugnayan sa pag-iral, dahilan, kaalaman, etika, kaisipan at wika. Tatalakayin ko ang mga pilosopiya ng mga pilosopo na napili ko na ilalahad ko rito sa sulat. Unahin natin si Plato. Ang kanyang Pilosopiya ayon sa Meta AI ay nakatuon sa pag-unawa sa realidad, kaalaman at ang kahulugan ng buhay. Narito ang mahalagang aspeto ng kanyang Pilosopiya: (1) Teorya ng mga Anyo: Naniniwala si Plato na ang bagay na nakikita natin sa mundo ay mga anino lamang ng mga realidad na tinatawag niyang “mga anyo” o mga ideya”. Ang mga anyo na ito ay walang hanggan, di-nagbabago, at perpekto. Sa katunayan apat ito. Banggitin ko lang ang dalawa. (2) Ang alegorya ng yungib (Allegory of Cave): Sa alegoryang ito, inilarawan ni Plato ang mga tao bilang bil...

Pelikula Sa Pagkakaalam Ko Kaugnay Ang Sining

          Mabuhay ang pelikulang Pilipino. Ito na siguro ang masasabi ko sa pagkakaalam ko tungkol sa pelikula. Nasa puso ko ang pelikula bilang medium. Noong nag-aral ako ng Journalism sa PUP, special na talaga ang tingin ko sa pelikula bilang medium at libangan na ginagawa ko sa araw-araw na pamumuhay. Special medium ang pelikula. Sa UP mahilig ako manood ng free admission na pelikula dati. Maunlad ang pelikula dati pero ngayon iba na ang pagtingin sa pelikula. Mas nagkaroon ito ng seguridiad at detalyadong takbo na daloy ng pelikula sa mga manonood. Mahirap gumawa ng pelikula. Nakita ko ang pagsusumikap ng students ko sa Savio na gumawa ng short film. Hanga ako na bata pa lang sila ay marunong na sila gumawa ng pelikula. Baby short film ang requirement pero napukaw ang atensyon ko sa paggawa nila ng pelikula. Kami kasi sa Journalism ay usually mga videos na may kinalaman sa balita. Inaral ko maigi ang film para maituro ko ng maayos sa mga students ko...

Hinagpis Ni Guro

Nakapitong paaralan na ako. Kritika ito tungkol sa kultura ng edukasyon sa ating bansa. Maraming problema ang edukasyon sa ating bansa. Mula sa pinakamataas hanggang sa pinakababa. Sa katunayan kulang pa itong sanaysay na ito para mailahad ang naging suliranin ko at suliraning ng sektor ng ating edukasyon sa pangkalahatan. Nakapasok ako sa mundo ng pagtuturo noong taon 2009. Nagturo ako ng mga sabjek sa Filipino sa kolehiyo sa isang paaralan sa lungsod Quezon. Halata na hindi pa ako sanay sa pagtuturo. Ginamit ko lahat ng natutunan ko sa Filipino na napag-aralan ko sa gradwadong antas. Masaya ako nang makuha ko ang trabaho na ito. Hindi ko makakalimutan itong paaralan na ito na nagbigay sa akin ng pagkakataon na makapagturo. Mula unang araw tanda ko pa noon. Sa jobstreet kung saan ko nalaman ang hiring. Sa mga estudyante ko na minahal ko kahit simula pa lang ito ng aking pagtuturo. Hinagpis ko rito na pakiramdam ko na ako ang napuna na guro na nagtuturo sa paaralan. Kahit hindi ako...

attend kayo support me po