Mabuhay ang pelikulang Pilipino. Ito na siguro ang masasabi ko sa pagkakaalam ko tungkol sa pelikula. Nasa puso ko ang pelikula bilang medium. Noong nag-aral ako ng Journalism sa PUP, special na talaga ang tingin ko sa pelikula bilang medium at libangan na ginagawa ko sa araw-araw na pamumuhay. Special medium ang pelikula.
Sa UP mahilig ako manood ng free admission na pelikula dati. Maunlad ang pelikula dati pero ngayon iba na ang pagtingin sa pelikula. Mas nagkaroon ito ng seguridiad at detalyadong takbo na daloy ng pelikula sa mga manonood. Mahirap gumawa ng pelikula. Nakita ko ang pagsusumikap ng students ko sa Savio na gumawa ng short film.
Hanga ako na bata pa lang sila ay marunong na sila gumawa ng pelikula. Baby short film ang requirement pero napukaw ang atensyon ko sa paggawa nila ng pelikula. Kami kasi sa Journalism ay usually mga videos na may kinalaman sa balita. Inaral ko maigi ang film para maituro ko ng maayos sa mga students ko ang hangarin ng pelikula.
Dahil PWD ako at may libreng sine, natuwa ako sa mga napapanood ko. Both hollywood at local. Nagamit ko rin itong discount sa mga pelikulang napapanood ko. Habang tumatagal ang mas naging mapanuri ako sa mga pelikulang napapanood ko sa ngayon. Kahit ang pinakapangit siguro na pelikulang ipapalabas ay wala kang masabi kasi naipalabas na. Sasabihin mo na lang na pangit ang pelikula na ipinalabas pagkatapos mong panoorin. Medyo naibsan na rin ang indie na pelikula. Bumabalik kasi ang kalakasan ng pelikula sa ngayong panahon. Epekto na rin ng pandemya at pagbaba ng ekonomiya natin. Ngayon pa lang ito nakakabawi.
Mahalin natin ng pelikula. Entertainment ito. Kapag bagot ka manood ka ng pelikula. Siguro hindi pa rin mawari sa isip ko ang pelikula ni Nora Aunor at Maricel Soriano. Sa huling pinanood ko na Only We Know. Never say die sa pag-ibig. May December love affair ang tema na baka mangyari sa akin dahil kwarenta na ako.
Sa sining kung saan ito ay may kinalaman sa malikhaing pagpapahayag, tulad ng pelikula. Laban talaga ang special effect kapag hollywood. O yung magandang script na tinatawag sa pelikula. Tutal nagagawa na sa cellphone o laptop ang pag-edit, baka on your own makagawa ka na ng pelikula tapos ibenta mo online. Yung copy ang ibenta mo. Mahalaga na mahalin mo ang sining. Mabenta ang sining. Kung maganda ang pelikula, sigurado blockbuster ito na matatawag.
Kung plano ang pag-uusapan, magsimula ka muna sa konsepto sa sining naman ay kung ano ang gusto mong gawin. Unahin mo ang puso at isipin mo rin ang market. Lalo na ngayon iba na ang mga tao. Hindi nila panahon yung tulad dati na mabenta ang action film o yung era ni Dolphy na ganun pa ang joke at drama ni Vilma Santos.
Ako sa aking pananaw pangarap ko nga magsulat ng kwento na pwede gawin negotiable. Baka kasi kumita ako. Sa propesyon kong faculty na walang sahod ngayong bakasyon kailangan kumayod ako. Magbenta kung ano ang pwedeng ibenta. Ang pelikula kahit story pa lang ay maaari mong maimarket sa target audience mo. Dahil teenagers ay may malakas na market. Subukan mo yung loveteam baka iyong kagatin ng madla. Yung Hello Love Again nga, billion daw ang kinita. So love story iyon at malakas ang love story na konsepto sa film.
Sa sining mabenta rin ang music. Kahit mag-ikot ka sa bahay mo basta may boses ka. Pwede ka kumita kahit maliit, pang-jollibee din iyon. Yayaman ka ba sa art? Kung sikat ka malamang yayaman ka talaga sa art. Yung tinatawag na 6 digits ang bayad uso pa kaya iyon? Sa darating na pasukan ko sa aking trabaho, naisip ko na ipa-requirement ko ang short film sa mga students ko na may kinalaman sa Physical Education. Para hindi naman lagi sanay tayo na laging exercise video ang requirement.
Umaasa ako sa mga darating kong students na magagawa nila ito. Binalik ko rin ang sarili ko s pagbibigay ng mataas na grado para matuwa ang mga magulang kapag nakita nila ang kanilang final grade. Isang buwan na lang, dalawang libreng pelikula na lang mapapanood ko dahil sa pasukan ay hindi ko na ito magagawa. Asahan ko rin na sana tumaas ang sahod ko para mabili ko rin ang nais ko.
Bigyan mo rin ang espasyo ang sarili mo pelikula ang sining. Magpinta ka Aya try mo. Tulad ni Ma’am Charo sa Only We Know. Ang ganda ginagawa ng retired professor. Ikaw din Anne. Gawin niyo kapag retired na kayo. Para sa akin bahagi ng aking buhay ang pelikula at sining. Kung wala ito wala na sa buhay ko ang mabuhay dahil kumita ako rito.
Konting segway lang sa digital art. Gamitin niyo ito kabataan. Maganda iyan tulad ng Canva at iba pa. Makakatulong ito sa inyo para makabuo kayo ng sariling niyong likha. Sa pagtatapos nitong webinar kong ito. Ipagpatuloy pa rin natin ang pagtangkilik sa pelikula. Maging gamit na ito sa pagtuturo ng aral sa mga kabataan. Gamitin ang pelikula sa pagtanggal ng stress at pagod. Ang pelikula ang siyang bumubuhay sa ating isip kung ano ang lipunan, kung ano ang kwento na laganap ngayon at sitwasyon ng ating bansa na dapat natin alamin upang matugunan natin ang kailangan natin sa buhay. Mabuhay ang film industry, ang art at pagpasok nito sa ating kamalayan at isipan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento