Nakapitong paaralan na ako. Kritika ito tungkol sa kultura ng edukasyon sa ating bansa. Maraming problema ang edukasyon sa ating bansa. Mula sa pinakamataas hanggang sa pinakababa. Sa katunayan kulang pa itong sanaysay na ito para mailahad ang naging suliranin ko at suliraning ng sektor ng ating edukasyon sa pangkalahatan.
Nakapasok ako sa mundo ng pagtuturo noong taon 2009. Nagturo ako ng mga sabjek sa Filipino sa kolehiyo sa isang paaralan sa lungsod Quezon. Halata na hindi pa ako sanay sa pagtuturo. Ginamit ko lahat ng natutunan ko sa Filipino na napag-aralan ko sa gradwadong antas. Masaya ako nang makuha ko ang trabaho na ito. Hindi ko makakalimutan itong paaralan na ito na nagbigay sa akin ng pagkakataon na makapagturo. Mula unang araw tanda ko pa noon. Sa jobstreet kung saan ko nalaman ang hiring. Sa mga estudyante ko na minahal ko kahit simula pa lang ito ng aking pagtuturo.
Hinagpis ko rito na pakiramdam ko na ako ang napuna na guro na nagtuturo sa paaralan. Kahit hindi ako na-renew sa ikalawang semestre, tanggap ko na maaari itong mangyari sa akin. Nalungkot din ako sa balita na sarado na raw ang paaralang ito. Hangad ko ang ikaliligaya ng paaralang ito. Kahit maliit lang ang school na ito, nairaos naman nito na magserbisyo sa mga bata.
Pagkatapos ng kalungkutan ko sa unang paaralan, sinalo naman ako ng kolehiyo sa Fairview. Salamat dahil di na ako dumaan teaching demo. Maasikaso nga lang ang requirements na kailangan para makapagturo. Bungi ang schedule ko dahil bago lang ako sa departamento kung saan ako nabibilang. Ito rin ang unang sabak ko sa pagtuturo ng Kasaysayan ng Pilipinas at Rizal.
Medyo natututo na rin ako sa panahon na ito sa pagtuturo. Hinagpis ko rito ang masakit na bahagi na noon naalis sa kolehiyong ito. Masakit kasi inisip ko na baka pwede pa ako magturo. Ngunit hindi pala. Tinanggap ko pa rin na wala na ako sa kolehiyong ito. Tahimik na ang kolehiyo ngayon. Hindi na matao tulad noon. Marami na rin kasing kolehiyo sa Fairview. At hindi na sila ang pansin ngayon na kolehiyo sa Fairview. Hindi ko makakalimutan ang mga estudyante ko rito sa pagkaklase ko sa kanila. Kaibigan sa fakulti at yung mga araw na tawanan at kasiyahan sa loob.
Sumunod dito ang kolehiyo sa Caloocan. Ito ang kauna-unahan ko na magturo ng Grade 2 at Mass Communication students na subject na Film at Theater. Bilib ako sa mga grade 2. Kasama ang grade 1, 3, 4 at 5. Ang mali lang rito. Dapat tumanggi na ako sa elementary. Dapat kung ano ang load ang gusto ko ituro ay yun na dapat. Subukan tumanggi kung kaya. Lalo na kung napapahamak ka na sa pagtuturo. Ang alaala ko sa short film na pinapanood ko sa YouTube ang kanilang gawa ay simbolo na alalahanin ang pagsisikap ng mga bata maitawid lang ang kanilang pag-aaral.
Umalis man ako na nasermunan ng presidente. Alam ko naman na hindi pa naman huli ang lahat. Pagkatapos ng pagbalik ko sa unibersidad. Nagbuksan ang hiring sa unibersidad. Ang kauna-unahan ko na tinuruan ko na unibersidad. Filipino na tinuruan ko. Malaki ang sinahod ko rito sa unibersidad na ito. Pero kung titignan mo ngayon ay ilan na lang ang natira sa alaala ng university na ito. Hindi ako tumitingin sa sahod, kung hindi sa saya na matatamasa ko sa kompanya na pinagtatrabhuan ko. Hinagpis ko sa Grade 2, nung nasabihan ako ng presidente sa pag-alis na mura lang naman. Sa university, nang hindi ko na matiis na magtalo ang mga guro sa tuwing magtatrabaho ako sa loob ng unibersidad.
Mula malaki tumungo na ako sa maliit na sahod. Koreano naman ang boss ng kolehiyo. Pangalawa naman ito na working place ko sa Caloocan. Saglit lang ako nagturo rito. Umalis na ako dahil umalis din kasi ang kasama ko. Sa lahat ng school, ito ang pinakamaiksing araw ng pagtuturo ko. Mayroon pa lang kolehiyo rito sa loob ng Amparo. Bahagi ito ng buhay ko sa larangan ko ng pagtuturo.
Sinubukan kong magturo dito sa San Jose del Monte, Bulacan. Institute ito kung saan nagturo ako ng senior high at college. Dito lang ata ako naranasan ng kaibahan sa trabaho ko bilang guro. Isang semestre lang ako nagturo. Napansin ko na wala na rin yung institute sa kinatatayuan nito sa Tungko. Masaya ako sa mga bata at ganoon pala ang pakiramdam ng magturo ng senior high at two year course sa college. Bahagi rin ang institute na ito sa karanasan ko bilang faculty sa loob. Maliit ang sweldo at nadala na ako na next time ay huwag na akong magturo sa probinsya dahil maliit ang bayad dito.
Sa kasalukuyan dito na ako nagtuturo sa Caloocan. Pangatlong kolehiyo ko na ng pagtuturo rito. Wala akong hinagpis sa ngayon dito sa bago kong trabaho. Masaya ang mga kasama ko. Wala akong problema na kinaharap sa ngayon. Nag-adjust ako sa pagtuturo dahil nasanay na ako na iba ang subject ang tinuturo ko. PE ang siyang tinuturo ko. Sa katunayan, nabanggit ko sa inteview sa karanasan ko sa pagtuturo ng PE noon sa institute.
Pantay ang hinagpis at kaginhawaan ang naramdaman ko sa pagtuturo. Hindi maiwasan na may hinagpis kang mararamdaman dahil bahagi na rito ng buhay ng isang guro. Hindi ka raw yayaman sa pagtuturo sabi nga nila. Hinagpis tulad ng pakikipagtalo mo sa kaguruan at sa administrasyon. Mainam na maging matatag ka sa pagsubok na kinakaharap mo kapag ikaw ay naging guro. May hinagpis ka man na natatanggap, labanan mo ito at ipalit mo rito ang kasiyahan na natatamasa mo sa pakikisalamuha mo sa mga estudyante mo na kliyente mo rin sa pagtratrabaho.
Tanggapin mo sa buhay na ang pagiging guro ay susi sa pag-unlad ng iyong buhay sa araw-araw. Huwag kang mahiya sabihin na ikaw ay isang guro. Nagsusumikap ka naman para makamit mo ang mga pangarap mo sa buhay na ginagawa mo sa trabahong ito. Malay natin ito ang susi mo para maging principal ka, chair, registrar, guidance counselor at iba pa. Itong trabaho ito ay napakaispesyal sa buhay ng isang tao. Marami kang natulungan sa trabahong ito. Marami kang tinupad na pangarap dahil sa propesyon na ito. Walang doktor, abogado, pulis, negosyante, pari kung walang guro. Ang guro ay sagradong propesyon mayroon ang isang tao o nilalang sa daigdig.
Mabuhay ka guro! Hinagpis ay tugunan. Hinagpis ay dapat palitan ng kaligayahan. Kaligayahan na kailanman walang makakapuksa sa taong nangangarap na guminhawa ang bu
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento