Dahil sa lamig ng weather, ewan ko nakaramdam na lang ako ng antok. Ilang araw din ako tulog ng tulog. Nakauwi na si Mama mula sa Isabela. Ang sarap talaga kumain ng binalay at pancit Cabagan. Lalabas ata ako mamaya dahil magpapabili si Mama ng gamot. I hope maging okay na ang tulog ko. Gusto ko malakad lakad nga sa labas para matunawan ng taba.
Nakapagrosaryo na ako kanina at nagbaba na rin ako ng bagong video sa Tiktok. Hindi napili ang papel ko sa Workshop sa La Salle. Bawi na lang ako next year. Congrats sa mga napili na papel. Ang ganda ng weather ngayon. Maaraw pero mahangin nga lang. Ang lamig kapag naliligo ako sa umaga. Pero tiis lang. Iinit na din naman pagdating ng Marso.
O siya maiksi muna ang blog ko. Kita kits uli. Spread my blog. Excited na ako mag-apply sa bakasyon. I hope makapaturo na ako sa pasukan. Maging masaya kayo kahit wala kayong ka-date sa Valentine's. Important ang self love. Salamat sa support niyo sa akin. Nagbaba na ako ng covers sa StarMaker. Pakinggan niyo. Mahal ko kayong lahat. See you again.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento