First time kong bumoto sa Barangay elections. Walang pila tapos ok at smooth sailing naman. Nagtanong ako kung saan ang prisinto ko at sinagot naman ako. Pagkatapos ng ilang minuto nakaboto na rin ako.
Ayon sa balitang narinig ko, nanalo raw yung binoto ko na kapitan. Kaya ayun masaya ako. Kung kailan 38 years old na ako saka lang ako nakaboto sa level ng barangay. Hindi naman huli ang lahat.
Sana nung 30 ako naabutan ko ang SK elections. Active pa naman ako noon nung kabataan ko. Sa 2025 midyear elections ay first time din ako na boboto ako.
Sana karamihan sa mga iboboto ko sa susunod ay manalo. Importante na nasa puso mo yung iboboto mo. Yung conviction mo na para sayo ay siya dapat ang iboto mo.
Sana ang maluluklok na opisyal ng ating pamahalaan ay yung karapat dapat sa kanilang posisyon. Yung mga politiko na uunahin ang kapakanan ng nakararami hindi ng iilan. Alam ko na darating din tayo dyan. Sa kunting pagsisikap, gaganda rin ang pamamalakad nito mula sa maliit na yunit tungong sa malakihang pambansa.
Kaya makilahok at iboto natin ang nararapat.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento