Sa akin ang Miss Universe ang number one beauty pageant sa puso ko. Bahagi na iyan ng panonood ko ng TV sa bahay para ma-relax at tangkilikin ang bansang Pilipinas. Kahit nung bata pa ako nanonood na ako ng Miss Universe.
Paborito ko sa lahat ng Miss Universe ay si Catriona. Siya ang winner sa Philippines nung 2018. Nagbigay siya ng karangalan sa bansa kaya gusto ko siya.
Mas namulat ako sa Miss Universe noong 1994 nung dito ginanap sa Pilipinas ang pageant. Magaling at idolo ko Rin si Miss Philippines na si Charlene Gonzales na ang panlaban na may iconic tungkol sa high tide at low tide.
Bahagi na ng mga Pilipino ang Miss Universe. Sa Asya tayo ang nangunguna pagdating dito sa competition. Pinay beauty na tawag ay word class. Trending lagi ang Miss Universe taon-taon. Dito nagmimitsa ang bardagulan ng mga bakla sa kanto, parlor, gay bar at iba pa.
Hindi rin natin matawaran ang husay ni Gloria Diaz at Margarita Moran na mga dating mga Miss Universe din noon. Malaki na ang pinagbago ng Miss Universe. Ngayon tumatanggap na ito ng transgender, married woman at plus size na bahagi ng diversity, acceptance at inclusion ng pageant.
Hangga't nabubuhay ako, Manonood ako ng Miss Universe hindi lang dahil sa laban sa bansa kung hindi sa pagsang-ayon sa mga kababaihan sa kanilang pakikibaka at pinaglalaban.
Ang Miss Universe ang tulay sa mga kabaklaan na mag-unite magkaisa at lumaban para sa kanilang karapatan mamuhay ng maayos, masagana, malaya at maligaya.
Ang Miss Universe dumaan din sa maraming pagsubok at kontrobersya tulad ng pamumulitika, daya, mafia, robbed at kung anu-ano pero nagagawa pa rin nito ang tumindig at umahon sa problema maitaguyod lamang ang adbokasiya ng patimpalak.
Ang Miss Universe ay Miss Universe. Hangga't may tumatangkilik, buhay at nagaganap, mananatili. Mananatili ito sa puso, sa kaluluwa, sa buhay, sa gawa at sa p.angkalahatan.
Huwag natin kalimutan ang importansya ng ng pageant kung saan ito ay pagpapaghalaga sa ganda ng babae. Ang kayang gawin ng babae sa panahon sa kasalukuyang at sa hinaharap. Dagdag dito ang plataporma, vision, mission at goal ng Miss Universe para sa kabutihan at kaayusan ng mundo at ng daigdig.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento