Awit o pakikinig ng musika ang isa sa mga libangan ko. Basta kanta o usapin ng musika, in ako dyan. Ito yun mga bagay na dapat isipin sa pagkakaroon ng libangan sa musika.
Elementary pa lang ako kumakanta na ako sa choir. Ayun naaabot ko ang mga matataas na nota at tinig. Ito yung ang panahon na mataas pa boses ko.
Nung high school ako, nahilig ako sa pop music. Isipin mo nakakabili ako ng original cassette tapes sa mall dahil sa ipon kong baon.
Siyempre hindi mawawala yung idolo kong Spice Girls, Mariah Carey at 98 degrees. Natuhog ito nung nagtuturo ako sa OLFU kay Rihanna at Kelly Clarkson.
70% ng buhay ko ang music. Hindi ko magamit nung bata ako dahil napunta ako sa linya ng pagtuturo. Dahil sa StarMaker hindi pa huli ang lahat.
Paalala may bago akong playlist sa StarMaker. Christmas 2 You ang title. Stream niyo ah. Tapos abangan niyo ang live ko sa December 25 at January 1.
Bumibili rin me ng pirated CD dito na-open na maganda pala yung kanta. Nakakuha ako kay Ariana Grande, Katy Perry, Demi Lovato, Nicki Minaj at iba pa.
Pero iba pa rin ang original. Sa music na bahagi ng buhay gusto ko yung masarap sa pandinig at nakakagaan tulad kay Taylor Swift sa kanta niyang Sparks Fly.
Yung awit na ginagawa ko para ma-relax ako ng hapon. Happy din me sa YouTube, sa mga kantang naririnig ko roon. Sama na ang Spotify na online na. Tapos kumpleto.
Huwag baliwalain ang musika. Malaki ang pwede nitong baguhin sa mundo tulad ng kantang Born This Way ni Lady Gaga na eye opener sa LGBT community.
Ang musika o awit ay sining. Kung meron ka nito, gamitin mo. Gamitin mo ito sa tamang paraan para makatulong ka sa kapwa at malibang mo rin ang kapwa mo.
Sa pagtatapos, mahalin natin ang awitin ng mundo. Awit kung saan ating natatamasa ang kaligayahan natin sa buhay. Ito ay pampagana sa ating pagkatao upang mabuhay ng buo. Mabuhay ng masaya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento