Kanina habang bumibili ako ng catfood sa Pecson, may nangyari. Nakiusap ako sa nagbebenta na kung pwede balikan ko yung kulang na bayad ko sa pagbili. Nakulangan kasio ako ng pera dala ng medyo mahal yung brown rice na binili ko. Ang nangyari habang kausap ko yung tindera, may lalaking nag-abot ng limang piso. Sabi ko kuya salamat, tinulungan mo ako. Bali sinuklian ko yung bigay niya ng tatlong piso dahil dalawang piso lang naman yung kulang. Sa panahon ngayon na kaunti na lang yung mabubuting tao. Bihira na lang yung katulad ni kuya. Mukha siyang estudyante nakaputi siya at pants tapos may bike. Pansin ko may ID kasi siya.
Sana dumami pa yung ganitong tao sa mundo. Magsilbing dilang anghel ka sana kuya at marami ka pang matulungan.
Iba pang ganap:
Sinagot ako sa FB page ng SM Cinema San Jose del Monte. Libre kaming PWD manood kada martes, dala lang daw ng ID. Susubukan kong manood sa Martes at sana maganda yung panonoorin ko.
Yung order ko sa Lazada sana dumating na. Anong nangyari? Bakit ang tagal dumating.
Nakaregister na ako sa Webinar ng UP SOLAIR. Excited ako sa Sunday I hope marami akong makuhang knowledge sa Webinar.
Tuloy pa rin ang work ko as Academic Server. Wala pa akong client. Gumagawa rin ako ng resume. Message niyo lang ako sa Facebook para sa detalye.
StarMaker sa January 29, 2024 ang labas ng bago kong playlist. Sana po ang mas gumanda pa yung app niy po.
Kung naghahanap kayo ng long sleeve sa JS prom, binebenta ko na yung long sleeve. 150 na lahat yung 3. Message niyo lang uli ako Facebook sa pagbili niyo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento