Dumalo ako ng Webinar. Maganda itong ginawa ng SOLAIR sa UP. Pero sana mabalik na yung Face to Face na tinatawag na seminar. Malaki ang tulong ng Webinar sa mga hindi lumalabas ng bahay tapos matututo ka pa. I encourage ang mga bata pati professionals at matanda na dumalo ng webinar na ito. Maganda ito sa paghubog ng ating pagkatao dahil sa kaaalaman na nakukuha natin dito.
Nag-enroll ako sa UPOU about Basic Resilience. Dahil first time, ayun medyo di pa ako sanay. Sana marami akong matutunan dito tapos ang goal ko lang ay pumasa. At magamit ko itong course na ito sa trabaho. Ang daming naka-enroll kaaliw na may account ako sa UPOU. Panibagong phase na ito siguro ng buhay ko. Pero ito talaga ay nag-e-enjoy ak.
Nag-update ako ng StarMaker. Mas lalo akong nadismiya, wala ng picture post. Tapos waley ang boses ko ngayon. Kapag hindi umabot ng 10k follwers baka bumigay na ako joke. Pero sana tumagal din ng 100 year itong StarMaker. Nahubog ng app na ito ang singing skills ko. Hindi nga lang lahat ng kanta ay binabagayan ng bses ko.
Nitong araw sinubukan kong manood ng sine gamit ang PWD ID ko. Ang pinili kong panoorin ay ang Rewind ni Dingdong at Marian. Maganda naman siya. Maganda yung kwento. Ito yung kwento ng pag-iibigan ng dalawang tao, na pwede magbagong buhay alang-alang sa minamahal mo. Na kaya mong isugal ang buhay mo para sa minamahal mo. Maganda itong panrin sa mga magkarelasyon at mag-asawa. Magaling ang kanilang pag-arte at walang eksena na hindi maganda. Nag-ejoy akng panoorin ang pelikulang ito.
Anything new? Ano pa kayang bago? Ang saya!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento