Kapag naririnig ko ang salitang teacher, maraming kang maiisip na bagay-bagay tungkol dito. Sa katangian ko bilang teacher, naging iba ako depende sa school na pinagtrabahuan ko.
Hindi ko hilig ang politics kaya teacher na lang ang naisip ko. Sana maging maaruga ang school sa teacher lalo na sa private. Mas pahalagahan nila ang teacher na nagtuturo.
Naalala ko si Mama bilang teacher pinayuhan ako na huwag magturo. Pero sabi nagtuturo ako senior high na malalaki na rin ang mga bata.
Huwag baliwalain ang teacher, mahalin sila. Walang doctor, abogado, pulis, pari at engineer kung walang teacher. Baguhin na raw ang yung katawagan sa teacher na nakakahon na sa kanila. Tulad na modest profession na tinatawag.
Isipin maliit lang ang sahod ng teacher tapos bastusin pa. Huwag na nilang laitin ang teacher, kawawa na nga. Huwag din nila abusuhin ang teacher, nasasabihan na sila.
Sa aking pananaw, ang teacher ay trabaho hindi pamemersonal. Propesyon ito at labas sa personal na interes ng school at students. May code tayo sa mga teachers. Sundin natin ito.
Masarap maging teacher. Masaya kahit mababa ang sahod. Wala nga raw yayaman sa teacher. Pero kapag principal ka, yayaman ka. Mga students maging masunurin na kayo sa teacher niyo hindi yun malikot na kayo.
Sa pagwawakas nito, ang teacher ang gumagawa ng katungkulan na hindi minsan nagagawa ng magulang. Teacher ang secondary parent, guider ng mga bata sa paglaki. Binibigay ng teacher ang pagkukulang ng bata sa abot ng kanyang makakaya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento