Ito yung demo teaching ko kung saan ako hindi na na-hire. Binilang ko sa kamay ko. Ang dami pala. So ito yung mga schools kung saan hindi ako pinalad magturo.
ADMU. Dito sa Ateneo naalala ko na panel ang magaling na manunat na si Prop. Michael Coroza. Napaupo ako sa likod ng lamesa pagkatapos ng demo. Mahiyain pa ako ng panahon at wala pang lakas ng loob.
STI Cubao. Dito naman english ang demo. Okay naman daw ang result. Pero hindi naman nila ako kinontak pagkatapos. Imagine mo ang layo ng school mula San Jose tungong Cubao. Tapos walang nangyari.
STI Novaliches. Dito naman Filipino ang tanda ko na naidemo ang problema, art yung na-discuss. Nainterview ako ng academic head tapos tingin ko laglag ata ako ng interview. May kasabayan ako na graduate ng broadcast sa PUP.
CES. CES is Christian Ecclesiastical School. After demo ng hindi ko pa alam ang Types of Speech Context. Ang alam ko kasi levels of communication. After demo wala ng nangyari.
Siena College of San Jose. Nung nagdemo ako ng dito ng PE na topic ay Volleyball. Hindi na ako ina update. Hindi pa rin susuko sa pag apply dito. Kasi pangarap ko magtuto dito sa Siena. Ok lang naman kung hindi rin.
Sarmieto Homes of Academy of San Jose del Monte. Dito nagdemo ako ng english sabi nila kokontakin nila ako kapag iha hire na nila. Hindi na ako nag expect.
First Progressive Academy. Dito ako nag demo ng types of speech context uli. Sa mismong araw ng seminar hindi na pinagatuloy dahil sa sakit. Pero ngayon ayon sa doctor ko ay allow na ako mag demo.
Yverdon de Pestallozi School. Nagdemo ako dito ng Types of Speech Context. Sensya na forte ko talaga itong topic na ito. Ayun sabi nila kokontakin na lang nila ako. Masyado na malayo itong school sa Igay kasi. Kaya hindi na ako bumalik at mag apply uli.
First City Providential College. Dito laglag ako ng demo. Hindi na ako umabot sa next step. Matagal pa bago ako dito mag apply uli. In fairness iba na ang system ng application nila.
Lyceum of the Philippines. Dito nag demo ako at great honor ako na ang magaling na textbook writer na Consolacion Sauco ang panel. Hindi man ako na hire okay lang. Wala na rin akong plano mag apply sa Lyceum dahil malayo na ito sa amin.
May hindi ako binanggit na ilang school na nagdemo ako at hindi na-hire. Saka ko na ikukuwento. Payo ko sa mga gustong maging teacher, hindi kabawasan ang pagiging bagsak sa demo teaching para maging teacher ka. Dito ka huhugot ng lakas upang makabawi para ma hire bilang teacher. Habang tumatagal ang panahon, gumawa ka ng paraan para ma improve mo ang sarili na maging magaling ka sa demo teaching kada apply. Laban lang maha hire ka rin
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento