Nung bata ako tandang tandang ko pa na napapanood ko ang Mara Clara. Pero kung nauna nandiyan na yung kay Janice De Belen. Tumatak talaga sa akin ang Mara Clara.
Mahilig sa drama ang mga Pinoy. Ang mga kasambahay natin laging nakatutok sa mga teleserye. Nung lumipas na ang Mara Clara, tumatak sa akin ang mga serye ni Claudine Baretto at Angelu De Leon.
Ngayon 2024, tadtad tayo ng teleserye. Lalong tumutok ang mga Pilipino sa serye, nangunguna dyan ang serye ni Coco Martin na Batang Quiapo. Sa mga kabataan inaabangan nila ngayon ang pagbabalik ng Encantadia.
Hindi lang pinoy serye ang hilig natin panoorin. Pati koreanovela at thai novela ang inaabangan natin. Hindi colonial naman kung hindi sa kaugnayan ng pag-usbong ng KPop at BL series.
Sa umaga may serye, hapon at gabi. Pinapakita ng mga Pilipino na mahilig tayo sa aksyon, drama, fantasy, love story at comedy. Lahat genre hilig ng mga Pilipino panoorin.
Teleserye ay bahagi na ng buhay ng mga Pilipino. Hindi na mawawala sa buhay ng mga Pilipino na manood ng serye. Kakain tayo ng almusal, tanghalian, meryenda at hapunan at may serye tayong kapiling na ating pinapanood.
Gumaganda na ang mga serye ngayon. Iba na ang atake. Visual effects gumaganda ang pinapanood natin tulad ng Encantadia II. Sa mga darating na araw ay mas mamahalin pa ng mga tao ang serye.
Ang katangiang mapagmahal kung bakit nananatili ang teleserye sa puso ng mga Pilipino. Kung walang teleserye, boting ang mundo, na gusto ng mga tao na ma-entertain tayo sa bawat na layunin ng media.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento