Nung nakuha ko ang sahod ko kahapon sa work. Bumili ako ng mga regalo sa mga taong tumulong sa akin sa trabaho. Sila ang mga taong tumulong sa akin sa work kaya naman bilang sukli eh naisip ko silang bigyan sila ng regalo. Siguro mga lagpas sampu ang nabili kong regalo. Hindi naman kamahalan pero yung nga may kasabihan, its the thought that counts.
Sa sobrang excite ko bumili kaunti lang ang tulog ko. Napaaga ako ng gising. Tapos buong araw lumabas ako. Umaga para bumili ng gift tapos sa hapon sa paghihintay ng misa. Kumuha pala ako ng Puregold card. Kailangan ko para makatipid sa bilihin. Bumili rin ako ng pirated CD ni Julie Anne San Jose. Susubukan kong i-cover ang Right Where You Belong song niya sa StarMaker.
Ang bilis ng araw. December na bukas. Bonifacio Day ngayon. Dapat pamarisan si Bonifacio na may pagmamahal sa bansang Pilipinas. Marami na kasi ngayon ang nawawalan na ng sense of nationhood at mas inisip ang kapakanan ng masama kaysa sa ikabubuti ng bansa. Isa sa pakiwari ko, hindi kaya dahil kinulong si Neri Naig ay para mapagtakpan ang problema ng gobyerno. Malihis ang isipan ng tao sa politika. Huwag naman sana.
Umaasa ako ng magkakaroon pa rin tayo ng maayos na politika. Umaasa ako na darating ang panahon na magkakasundo si PBBM at VP Sara. Tapos mamumuhay ng mapayapa ang bansang Pilipinas. Tumaya rin pala ako sa Lotto. Sabi ni Papa talo raw ako. Susubukan ko pa rin tumaya kapag may pera ako. Naguguluhan ako sa huling salary sa mga paliwanag ng mga kasama kong faculty. Pero ok lang naman iyon.
Sa December 21 ko na ipapasa ang grade ng mga bata. Ang lamig na sa labas. Nakalimutan ko magdala ng jacket kanina pagsimba ko. Kumain pala ako sa SM San Jose del Monte ng McDonald's French Fries. Puro na lang kasi Jollibee kinakain ko. Tapos tumingin ako sa mall, ang daming sale na book sa Nationa Book Store. Bibili ako niyan sa December.
Bumili pala ako ng t-shirt sa Robinson kagabi. Susuutin ko ito sa online class sa Martes. Sa mga students ko na bagsak ng Prefinal, mahahatak ang grade niyo kung magpapasa kayo ng physical fitness, movement training, o exercise video ang ipapasa niyo. Kaya napakaimportante ng final requirement. Nakita ko na ang mga tatakbo sa San Jose del Monte, may napili na akong iboto sa ating lungsod.
Bukas December na, maging masaya sana ang season ng pasko sa atin.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento