Nung Sabado, bumili ako ng bagong bag sa SM. Ang mahal na ng bag sa SM. Sale yung nabili ko. Sana maganda at huwag agad na masira. Nagtaas na yung presyo ng Jollibee. One hundred five na yung yum hamburger with drinks and fries. Tapos bago dun dumaan ako sa Robinson Novaliches para bumili ng polo. Mahal na rin ang mga polo ngayon. Pagkatapos ko sa SM ay bumili na ako ng regalo sa pamangkin ko sa birthday niya. Sana magustuhan niya ang regalo ko.
Ubos agad ang pera ko. Konti na lang natira para sa klase. Nanood ako ng Miss Universe nung linggo. Para sa akin bongga pa rin naman. Iba naman kasi ang panahon noon sa ngayon. Congratulations kay Chelsea Manalo na umabot ng top 30. Sana talaga umabot siya ng top 12 on top 5. Tapos nanalo din siya ng continental queen sa pageant. Sana huwag muna sa latin country maganap ang Miss U. Sana sa Europe o African country ito maganap next year.
Ngayong Martes nag-online class ako dito sa bahay. Naisip ko na sana sa school na lang para nakapagkolekta ako ng exam. Pero okay lang pupunta naman ako sa Thursday para mangolekta. Buti nairaos ko ito kanina. Bukas Miyerkules maglalaba ako ng Umaga. Tapos sa gabi attend ako ng online healing mass ni Father Marvin.
Matatapos na ang isang semester na pagtuturo ko sa St. Clare. Sana makapagturo pa rin ako sa second sem. Tapos sana mas maraming oras. Para naman ma-provide ko yung mga kailangan ko. Kawawa naman yung mga nasalanta ng bagyo. Sana matigil na ang pagpasok ng bagyo sa bansa natin. Sana next year yung panlaban natin sa Miss U ay yung kayang tapatan ang ganda ng ibang kandidata. Puro Latina ang mga pumasok sa cut kaya dapat tapatan talaga ito ng Asian countries. Tapos iwasan din natin yung mga judges ay galing sa home court countries. Para fair at walang bias ang judging.
Bukas ko isesend sa gc ng mga students ko yung video na ginawa kong exercise. Wala na akong makuha sa YouTube eh. Kaya gumawa ako. Ang gulo talaga ng politika sa bansa. Ang dating magkakampi magkatunggali na ngayon. Nag-live ako kanina sa StarMaker. Medyo palya pa boses ko. Pumipiyok pa. Sana sa susunod na araw okay na.
Salamat Lord God sa blessing na binigyan mo ako ng work this year. Akala ko end na ng teaching career ko. Pero ito nasundan pa pala. I hope na mas maging mabuti akong tao sa mga susunod na araw. O siya natapos na yung araw na ito. Manood muna ako ng videos sa YouTube at makikinig muna ng radio. Goodnight. Pagpalain sana kayo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento