Wala akong ka-date nung Valentines. Ngayon February 19, ito na siguro ang post valentine ko. Dinate (date) ko ang sarili ko. Kumain ako ng choco tops at fudgee bar. Tapos Milo than after kumain ako ng pancit canton, Nanood ako sa YouTube ng Madison Square Garden concert ni Mariah. Ganda ni Mariah dito sa concert. Forever lamb talaga ako. Fan talaga ako ni Mariah since year 1999.
Laki ng impact sa akin ng album niyang Rainbow. Kinakabahan na ako dumadami na followers ko sa StarMaker baka bigla akong maging singer bigla. Sa halip panoorin ko ang YouTube video ng mga comedians na pareho lang ang tema ng content nila, nanood na lang ako ng Madison ni Mariah. Kailangan ko na rin magbasa ng books. Para sa kung ano na rin ang update sa mundo.
Mabuti online ang class bukas sa St. Clare. May time mag-relax sa bahay kapag free time. Wish ko na tumagal ako sa St. Clare. Ang mga bata ngayon iba na kumpara nung 2009 nung nagturo ako sa ASAS at NCBA. Ang sarap ng Open Arms version ni Mariah. Sarap balikan nung high school ako na pinapatugtog ang mga cassette tapes ni Mariah na natapon na. Mariah Carey, Emotions, Musicbox, Daydream, Butterfly #1's, Rainbow meron dati niyan.
Kahit sikat na ngayon si Dua Lipa, Rihanna, Taylor Swift, Olivia Rodrigo at Sabrina Carpenter, iba pa rin si Mariah. Hangga't buhay ako Mariah Carey pa rin ako. Lagi kong iko-cover ang mga kanta niyang Hero, I Still Believe, When You Believe, at iba pa. Thank you Lord biniyayaan mo ako ng boses para i-inspire ang mga tao sa aking music.
Tumaas na rin ang viewers ko sa Live dati 40 lang ngayon umaabot na ako ng lagpas 80 viewers. I will not stop singing. Forever akong kakanta para sa mga naniniwala ng musika ko. Favorite ko sa Madison concert ni Mariah ang One Sweet Day, Without You, Always Be My Baby, Open Arms at Make It Happen. Sana kung may album na lalabas si Mariah sana makakuha siya ng Grammy o Billboard award dito. Inilaan ang araw na ito na magpahinga muna ako.
O siya abangan niyo next blog ko. Siguro baka topic nito summer 2025. Goodnight and have a nice Wednesday sa inyong lahat.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento