Kanina ang huling turok ko sa animal bite vaccine. Sabi ng Nung nagturok kapag namatay daw yung pusang kumagat sa akin, eh magpaturok uli ako. Nakasabay ko uli Tita Elizabeth Ubasa. Kapitbahay namin dito sa Borlan. Nagsimba ako ng hapon pero bago iyan. Gumawa na ako ng grade sa class record ng St. Clare. Deadline kasi nito sa Monday (September 30).
Maganda ang class record ng St. Clare. Dasal ko na sana may client ako bukas. Para may pera akong pamprint ng class record. O kaya may bumili ng books ko o CD para rito. Bukas magpapalaboratory Naman ako sa Generika. Dinasal ko kanina sa simbahan na sana bumaba na Yung blood sugar ko. Nanood Naman ako ng video sa YouTube. Naka-missed ako ng Isang webinar kaya dun ko ginamit ang data.
Bukas pala magla-live ako sa StarMaker. Manood kayo. Sa Oktubre maglalabas ako ng bagong playlist. Title ng playlist ko ay sa "Music In Me". Kasi NGA may puwang sa puso ko ang music dahil nga kumakanta ako. Sa December gagawa ako ng Christmas playlist title niya ay "Merry Christmas Richard". Pakinggan niyo at sana mag-heart kayo.
Maaga na naman ang gising ko bukas. Napapadami ang araw ang gising ko ng maaga. Ang bilis ng araw. Malapit na ang October. Suportahan niyo ako sa StarMaker. Follow niyo ako roon. Tapos subscribe niyo ako ng YouTube. Yung content ko ay mga lesson sa PE1. Bukas baka ibaba ko na yung take home exam nila sa PE 1.
Napaka-busy na araw na ito para sa akin. Pero nag-e-enjoy naman ako. Lord Jesus dasal ko na bumaba na sana ang blood sugar ko. Happy weekends sa inyong lahat.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento