Nung 2019 sa Microlink Institute of Science and Technology (MIST) ako unang nagturo ng PE. PE 1 ito sa first year at Gymnastic ang subject description nito. Maituturin ko ang sarili ko na hindi naman ako expert pero hindi naman below average ang kaalaman at kakayahan ko sa pagtuturo ng PE. Sa MIST nagda-download ako ng video mula YouTube kung paano nila ginagawa ang basic gymnastics na pwede ko maibahagi sa klase ko sa PE sa MIST.
May leader na estudyante ko ang nagsisimula ng physical activity. May iba hirap sila magawa yung activity. Yung iba naman ay nakakayanan naman nila. Para sa akin isa ang PE sa favorite kong ituro sa klase. Magaan kasi na subject na ito at hindi katulad nito ang mga major subjects sa college. Masaya at psychomotor ang domain ng subject na ito. Kahit PE ay maroon din silang exam. Nangyayari na walang exam kapag major subject dahil final output ang kadalasan ang hinihingi nito sa katapusan ng klase.
Yung exam bali sa prelim lang tungong pre finals. Ang final requirement ko sa MIST noon ay CD na burn kung saan gumawa sila ng gymnastic activity. So far maganda naman ang ginawa nila. Yung nga lang tumatalon nga lang ang CD. Bali naisip ko sa final requirement sa St. Clare ay sa GC na lang i-send ang video dahil ang problema ay tumatalon ang viewing tapos mahirap na makahanap ng CD R ngayon.
Ang punto ko rito. Ang PE kahit nai-pattern natin ang subject na ito sa western perspective, mainam pa rin na maiangkla ito sa bansa natin at sa konteksto natin. Yung pagiging angkop ang pangangatawan ay mainam na makuha ng isang college student sa pag-aaral ng PE para na rin ito sa ikabubuti ng kalusugan ng mag-aaral sa kolehiyo.
Masaya at masigla ang subject na PE. Nakiikita mo sa mga ngiti ng mga bata kapag sila ay nasa klase ng PE. Nakikita ko na dito nanggagaling ang mga mahuhusay na atleta dahil na subject na ito na PE na maituturin ngayon na makabagong bayani na nagbibigay karangalan sa bansa. Mapalad na tayo sa Pilipinas dahil nananalo na ang atleta natin sa international competition. Isa na marahil sa kadahilanan ng pagsasaayos ng sistema ng pampalakasan mayroon sa bansa.
Ang Physical Education para sa akin ay subject na dapat alisin ang pagkabagot sa buhay. Tara na at iunat ang mga katawan at igalaw ito. Ang pagkakaroon ng mabuting pangangatawan ang susi sa pagkakaroon ng mahusay na pamumuhay. Ang healthy na gawain ay nagbibigay buhay sa isang tao na pakilusin ito sa kanyang nails gampanin sa buhay na kanyang ginagalawan.
Huwag kang mahiyang mag-aral ng PE. Ilabas mo ang kumpyansa mo. Makibahagi ka sa mga ka-grupo mo. May teamwork na tinatawag sa pag-aaral ng PE. Walang mababang grado sa PE sa aking klase. May ibubuga ka sa subject na ito. Maaari mo rin pagkakitaan ang subject na ito kung mahusay ka sa pamamagitan ng sa pagte-Trainor o coaching na tinatawag.
San pagtatapos, lalo na sa St. Clare na nakaumpisa na tayo, ibahagi mo ang mga natutunan mo sa PE dahil sa mga darating na araw kung saan practical na ang gagawin natin sa klase. Mag-enjoy ka sa subject na ito. Ang PE ay matatawag na spice sa mga subject sa kolehiyo. Kaya mainam na makibahagi ka sa klase. Ibigay ang nalalaman mo at ibigay mo ang best mo sa subject na ito. Isa rin itong key na baka pwede ka maging varsity ng college o top student ng klaseng ito.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento