Kaninang umaga ginigising na ako ni Mama para umalis. Ito kasi. Nakagat ako ng pusa na gala dito sa labas ng bahay namin. Natapakan ko siya tapos bigla akong kinagat. Nangyari ito nung Monday. Tapos umalis kami ni Mama kahapon pumunta ng Pakwanan. Tapos nirekomenda kami sa St. Bernadette Clinic sa San Jose Heights magpa-injection ng anti rabies.
Mga 7:30 gumising na ako. Binigyan ako ni Mama ng pamasahe. Pagkaalis ko sumakay ako ng e-jeep papuntang San Jose Heights. Sumakay ako ng tricycle tapos binaba na ako sa clinic. Bumili na rin ako ng injection sa pharmacy sa high way sa paradahan ng tricycle papunta sa clinic. Dahil PWD ako, naging priority line ako. Number 9 ang number ko tapos mabilis naman ang daloy ng turukan. Binigyan ako ng card babalik ako next week. Nakita ko pala dun yung kapitbahay namin si Elizabeth Ubasa. Nagpaturok din siya.
Sana sa susunod huwag na mangyari ito. Nasasaktan pa rin ako sa injection pero normal na sa akin. Naalala ko nung chemotherapy ko kung ilang turok ang natanggap ko kada session. Kaya para sa akin sanay na ako sa injection. Sa mga gusto makahanap ng libreng anti rabies injection, I recommend St. Bernadette Clinic dito sa San Jose Heights sa ating bayan SJDM. Libre ang serbisyo nila.
Iniisip ko kung magmake up class na ba ako. Siguro kapag nakatatlo na ng suspended ang klase ko baka. O kaya next week subukan ko kung may pamasahe ako para makapag face to face class. Open pa rin ang academic service ko ah. Looking ako for clients. Pagawa na kayo qualitative research sa akin o sa essay, activity/seat work at iba pa.
May webinar ako bukas halos sabay pa. Kailangan ko kasi ng certificate para sa work. Nagbebenta nga pala ako ng CD na mga kanta. Pati book. Tapos long sleeve ko na di na kasya. Bagsak presyo na siya kaya Kunin niyo na. Nagbebenta rin pala ako ng christmas album mp3 format. Pm niyo lang ako sa Facebook kung kukuha kayo.
That's all. Have a great day sa inyong lahat.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento