Wednesday night pa lang nagsimula na ako mag-check ng 2nd Prelim. So far may nakaperfect naman. Hindi pa ako expert sa paggawa ng test questionnaire. Nagsisimula kasi uli ako. Sayang wala akong klase, hindi ako naka-attend ng teachers day event sa St. Clare. Mukha sigurong masaya roon. Bukas Yung last batch na lang ang checheckan ko.
Kanina habang tumitingin ako ng red ballpen sa pandayan. Actually, Hindi talaga ako gumagamit ng red ballpen sa pag-check ng papel. Nahirapan lang ako maghanap ng ibang kulay na maayos na ballpen. Maganda yung ink at klase ng ballpen na napili ko. Nagulat ako kanina sa counter ng Pandayan na nabigay sila ng guro card na libre sa akin bilang instructor sa St. Clare.
5% discount ang binibigay sa may hawak ng card na ito. Nakakatuwa naman. Madalas ako mamili dito sa Pandayan. Maganda kasi mga benta nila. Habang nagche-check pala ako. Paalala ko lang sa mga students ko. Huwag kayo mangopya. May pare-pareho akong sagot na nakita. Tapos sumunod kayo sa instructions. Sa halip na letter, sagot ang nilalagay. Tapos 6 questions yung iba 5 lang ang nilagay. Basahin niyo yung instructions para pumasa kayo.
Na-touch ako sa section BS HM 1-C ng St. Clare na binati ako ng happy teachers day. So far masaya ako sa St. Clare. Happy naman ako. Ang ganda ng Zabarte. Ang sarap pasyalin. Nagsimba na ako kanina. Yung resulta ng 2nd Prelim ay ipo-post ko rito siguro sa October 12. Sana happy kayo sa result na nakuha niyo. Wala Naman bagsak dito sa subject na ito.
Happy weekends sa inyo. Manood kayo ng live ko sa StarMaker. Magla-live ako bukas Sabado. Singit ko sa time. Tapos natutuwa ako sa episode ng Abot Kamay Na Pangarap. Bili pala kayo ng pocketbook ko 30 pesos lang. O siya see you again sa susunod ng pagbabasa sa blog ko. Salamat sa pagbabasa niyo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento