Ayan nagkaroon na ako ng I.D sa St. Clare College. Sa wakas nakapag-exercise din ang mga students ko except lang sa section HM 1 A,D,G,J at PolSci 1-A. May nagpapractice kasi ng basketball sa court kaya hindi sila makapage-exercise. Hindi na ako tatanggap sa 29 ng exam ah. Kasi yari na ang grade nun. Bali pala nagsuspend pala kanina hanggang senior high.
Tapos Ngayon suspended na all levels ang klase. Bukas siguro dalawang section muna ang iche-check na booklet. Madadali lang ang ise-search ko na video. Salamat sa mga content creators ng comedy sa YouTube, nawawala ang stress ko sa inyo. Nakakatawa po ang content niyo. Sana walang masyado mapinsala ang bagyong Kristine na ito.
Ilang araw na lang pasko na at matatapos na rin ang isang semester ko sa St. Clare College. Promise ko sa kanila walang babagsak. Masaya sila sa end ng semester dahil pasa sila at karamihan matataas. Daming mabago sa akin ng pagtuturo ko sa St. Clare. Nagkalaptop ako na utang, may bagong c.p tapos naging behave na ako sa work. Hindi na tulad dati.
O Siya ito na muna. Check na ako bukas. Tulog muna ako. Kailangan mahaba ang tulog para okay ang pagcheck. Remind ko lang plus 5 ang NAASCU ticket, plus 5 yung leader, tapos plus 10 sa PE uniform. Sana exam ito ah. Goodnight at okay ang araw ko ngayon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento