Sa halip na magpahinga ako, sandamakmak na eksam ang tsinekan ko. 20 sections na booklet. Tapos na nitong linggo pero naiwan na lang ang kaunting modular.
Next week bawi ako buti na lang June 16 na ang pasukan ngayong taon. Sana huwag maulit ito. Kumuha ako ng advantage card sa SM. Feeling ko kailangan ko ito.
Linggo ng hapon na ako nagsimba. Sa Grotto ako nagsimba. Ang daming tao. Pero happy naman. Nung exam kumain ako chichiria pampagana sa pag check.
Bukas Lunes may online class ako ng umaga. Tapos nito ay gagawin ko na ang mga grades ng students ko. Huwag sana ako ma-late sa pagpasa ng grade.
10 Araw na rin birthday ko na. Malapit na ako magkwarenta at excited ako. Parang gusto ko gumala pagkatapos nito. Kumain sa Jollibee uli.
Salamat Lord God at binigyan mo ako ng work. Salamat sa biyayang binigay mo sa akin. Salamat nakaka-online na ako sa faculty lounge. Hindi na yung nakaupo ako sa tapat nito.
Sana matuwa ang mga bata sa grade nila sa pre finals. Mami-missed ko ang mga batang ito sa nalalapit na nilang bakasyon. Naka 2 sems na rin ako sa St. Clare at happy ako sa work dito.
Back to normal na tayo bukas. Manatili sana tayong matatag at mabuti sa pagtatapos ng semana Santa na ito. Mabuhay ka Kristo at mananatili ang pananampalataya ko sayo habang buhay.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento